Noong 2001, ang Ecological Solid Waste Management Act, na karaniwang tinatawag na Republic Act 9003 (RA 9003), ay ipinasa upang tugunan ang lumalaking problema sa pamamahala ng basura ng noo’y, 80 milyong mga Pilipino, ngunit matapos ang higit dalawang dekada at karagdagang higit 36 milyon mga residente ngayon, ang mga isyu ukol sa solid waste management ay hindi sapat na natugunan. Karamihan sa 1,634 Local Government Units (LGUs) ay ginagamit ang sistemang pagkolekta at pagtatapon na may limitadong pagtutok sa reduction, reuse at recycling.
Ang kondisyong ito ay pinalala ng limitadong bilang ng mga sanitary landfill at materials recovery facilities (MRFs), mahigpitang makakuha ng mga pondo para sa mga proyekto ng solid waste management at ang limitadong
implementasyon ng batas, at iba pa. Base sa 2020 records ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ay mayroon lamang 185 na sanitary landfill ang gumagana sa bansa, karamihan ay may kapasidad na mababa sa 15 tonelada bawat araw, na nagseserbisyo sa 378 LGUs na 23 porsiyento ng kabuuang mga LGU at 10,722 MRFs na katumbas ng humigit-kumulang 33 porsiyento ng 42,036 mga barangay sa bansa.
Base sa pagtataya ng NSWMC, ang 2021 waste generation ng Pilipinas ay umabot sa 21.8 milyong tonelada at aabot sa 23.6 milyong tonelada sa taong 2025. Kaugnay sa mga kondisyong ito ng SWM ay ang susunod na polusyon ng plastik sa dagat. Noong 2016 ay ipinahiwatig ng mga pag-aaral na ang Pilipinas ay nasa pangatlong ranggo sa mga pinakamalalang nagdudulot ng polusyon ng plastik sa karagatan, kasunod ng China at Indonesia. Noong 2019 ay
tinatayang lumilikha ang bansa ng 4.52 milyong metriko tonelada ng basurang plastik bawat taon, kung saan 0.81 million metric ton ay nagmumula sa Metro Manila.
Nitong nakaraang Miyerkoles ay nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso para sa agarang pagpasa ng panukalang “Waste-to-Energy Bill” upang makatulong na pagaanin ang pagbaha sa bansa at ito ay nagiging isang mahalagang bahagi ng flood control program ng bansa. Ginawa ng Pangulo ang panawagan sa pagpupulong ng 6th Legislative-Executive Developmet Advisory Council (LEDAC) kasama sina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Martin Romualdez at ilang miyembro ng Gabinete sa Malakanyang.
Binanggit ng Pangulo na lubhang kinakailangan na muling tingnan ang panukala dahil ang waste-to-energy ay mahalagang diskusyon sa flood control dahil ang problema sa basura ay talagang malubha na. Ayon sa Pangulo ang mga proyekto sa waste to-energy ay nakabawas sa pagbaha ng 40 porsiyento at ipinatupad ito sa antas ng gobyerno.
Sinabi ng Pangulo na ang waste-to-energy ay may bagong papel, at hindi na lamang ito para sab asura, o waste disposal o waste management kundi ito ngayon ay napakahalang bahagi ng pagsisikap sa flood control.
Inaprubahan ng House of Representatives ang Waste-to-Energy Bill sa ikatlong pagdinig at ang katapat na panukala ay nakabinbin pa rin para sa ikalawang pagbasa sa Senado. Kakambal ng paglago ng ekonomiya at pag-unlad na bansa, ang mabilis na paglobo ng populasyon ng isang bansa ang paglala ng problema sa basura – ito ay isang katotohanan na hindi natin matatalikuran. Nasubukan na ang lahat ng pamamaraan at paglikha ng mga batas
ukol sa pamamahala ng basura na aminin man ay hind inga naging maayos et epektbibo sa maraming dahilan.
Ang pag-unlad ay nangangailangan ng makabago ring pagtugon sa mga problema at kung mapagbibigyan ang isang “Waste-to-Energy Bill” ay kahit papaano ay maibsan at matugunan ng mahusay ang problema sa basura at iba pang isyu na kaakibat nito. Gayundin malaking tulong din sa problema sa enerhiya. Kailangan lang talaga ang sama-samang pagsulong nito at isang matatag na pulitikal na kapasiyahan.
September 29, 2024
October 5, 2024
September 29, 2024
September 20, 2024
September 13, 2024