Waste to energy demo unit sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Inihayag ni Mayor Benjamin B. Magalong na dadalhin ng Philippine National Oil Company (PNOC) sa lungsod ang isang waste-to-energy demo unit para sa pilot test ng operasyon nito malapit sa temporary waste transfer station sa Baguio Dairy Farm upang tiyakin ang feasibility nito kung kukunin ito ng gobyerno bilang isang solusyon sa kasalukuyang problema sa basura.
Sinabi ng bagong mayor na ang waste-to-energy demo unit ay dadalhin ng PNOC sa lungsod kasama ang mga Hapon na eksperto sa waste-toenergy at itatayo ito sa isang ektaryang lugar malapit sa waste transfer station para sa pilot testing kung saan ang waste-to-energy facility ang nakita at mas gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte nang bumisita siya sa Japan dalawang buwan ang nakakaraan.
Sa panimula ay magsasagawa ang ekspertong Hapon ng ocular inspection ng panukalang demo unit upang gawin ang kaukulang mga rekomendasyon kung paano mapahusay ang lugar bago ideliver ang nasabing demo unit sa lungsod.
“We will test the waste-toenergy demo unit in the city to ascertain its feasibility as a prelude to its installation in
Antamok once the PNOC feasibility study on the waste-to-energy project is positive based on the ongoing feasibility study,” pagdiriin ni Mayor Magalong.
Sinabi niya na ang demo unit ay isa sa dalawang unit na ibibigay ng operator ng Japanese waste-to-energy plant na binisita ng Pangulo sa Japan at ito ay susubukan sa lungsod.
Nauna dito ay binisita ng mga opisyal ng PNOC si dating mayor Mauricio Domogan at ipinaalam sa kanya at kay Magalong na inaprubahan ni Secretary of Energy Alfonso Cusi, Jr. ang “grant” na PhP6milyon para pondohan ang pagpapatapos ng feasibility study sa paglalagay ng isang waste-to-energy facility sa loob ng pag-aari ng Benguet Corporation (BC) na isinuko sa pamahalaang lungsod pangunahin para sa pagtatatag ng proposed integrated solid waste disposal facility.
Nagpahayag ng pasasalamat sina Domogan at Magalong sa PNOC board at kay Secretary Cusi sa pagbalikat ng halagang kailangan upang matapos ang isinasagawang feasibility study para sa nasabing proyekto na makakatulong sa pagtugon sa problema ng pagtatapon ng basura hindi lamang ng lunhgsod ng Baguio kundi pati na rin ang mga karatig bayan gaya ng La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay.
Pumasok sa kasunduan ang BC kay Domogan na isuko ang nasa 29.11 ektarya ng pag-aari nito sa Antamok, sa lokal na gobyerno upang magamit na libre sa isang maximum period na 50 years, pangunahin ang pagtatatag ng isang integrated solid waste disposal facility kabilang ang isang waste-to-energy plant para makagawa ng renewable energy mula sa basura.
Ibinunyag ni Magalong na personal niyang kakausapin si Itogon mayor Victorio Palangdan para talakayin ang bagay na ito dahil ang pagtatatag ng waste-to-energy project ay kapaki-pakinabang na pagtugon sa problema sa basura ng iba’t-ibang lokal na gobyerno sa BLISTT alinsunod sa Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Bahagi ng mahigit walong ektarya na isinuko ng Department of Agriculture (DA) sa lungsod sa loob ng Baguio Dairy Farm ay gagamitin panimula sa instolasyon ng demo unit upang matiyak ang pagtatayo ng waste-to-energy facility sa lungsod o mga karatig bayan sa Benguet.
 
DAS-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon