BAGUIO CITY
Inaresto ng pulisya ang isang suspek sa panggagahasa na itinala bilang No.5 Regional Top Most
Wanted Person sa Cordillera mula sa kanyang hideout sa Barangay Poblacion, Tuba, Benguet, noong Enero 20. Kinilala ang nadakip na si Jonathan Madrid Mazaredo, 23, water delivery crew, at
kasalukuyang naninirahan sa No. 221A Purok 5, Upper Pinget Baguio City. Pinangunahan ng mga
tauhan ng Police Station 2 ng Baguio City Police Office ang pagdakip sa suspek alas-3:35 ng hapon alinsunod sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Modesto D. Bahul, Jr. ng Branch 2, Family Court, First Judicial Region, Regional Trial Court, Baguio City para sa Statutory Rape Art. 226-A ng Revised Penal Code na inamyenda ng Republic Act 11648 na walang inirekomendang piyansa.
Sa imbestigasyon, noong Nobyembre 2022, nag-inuman ang suspek at ang biktimang si Lea (hindi tunay na pangalan),14, sa bahay nito sa Upper Pinget, Baguio City. Nang lasing at nahihilo ang
biktima, dinala umano ng suspek ang biktima sa kanyang silid kung saan ito pinagsamantalahan.
Dinala ang naaresto sa Station 2 Camdas para sa dokumentasyon. Isang Body Worn Camera (BWC) ang ginamit ng pulisya sa pagaresto.
Zaldy Comanda/ABN
January 27, 2023
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025