“WATWAT” TAMPOK SA “MANGAN TAKU” FOOD FEST SA BAGUIO

Apr 27, 2022

BAGUIO CITY – Ang watwat ay buhay sa Cordillera, ang 3rd year’s edition ng “Mangan Taku” food festival ay tampok ang watwat – isang hiwa ng pinakuluang baboy na ipinamahagi o’ pinagsasaluhan bilang pangunahing pagkain ng anumang piging sa Cordilleran.
Inilabas ni Mayor Benjamin Magalong ang Executive order No. 46-2022 na nagdedeklara sa Abril 27 hanggang 30 bilang pagdiriwang ng Mangan Taku 2022 –watwat na edisyon na gaganapin sa Wright Park Reflection Pool, sa harap ng The Mansion, Baguio City.
Mangunguna sa pagpapatupad ang ahensya ng Department of Tourism-Cordillera sa pakikipagtulungan sa pamahalaang lungsod ng Baguio.
Ang Mangan Taku, isang pangkalahatang termino sa Cordillera na nangangahulugang ‘Let’s All Eat’ ay itinatag noong Setyembre 23, 2019 base sa Ordinansa No. 81 na ideneklara tuwing Abril bilang bahagi ng mga aktibidad na Cordilleran cuisine sa Summer Capital.
Ang pagdiriwang ay magtatampok ng mga lutuin at heirloom dishes mula sa mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province kasama ang mga diskarte sa paghahanda ng kani-kanilang mga magaling na chef mula sa nasabing mga lalawigan.
Ang pagtikim ng pagkain ay iaalok din sa publiko pagkatapos ng mga demonstrasyon sa pagluluto. “Ang Mangan Taku Food Festival ay naglalayon na ilagay ang Cordilleran cuisine sa spotlight upang palakasin ang culinary tourism sa Cordillera Region, na umunlad bilang isang mahalagang bahagi ng turismo, at sa pangkalahatang karanasan sa turismo ng mga lokal at dayuhang bisita,” ayon ordinansa.
Sinabi Jovi Ganongan, regional director ng Department of Tourism-Cordillera, unang ginanap ang festival noong Abril 14, 2019 sa Rose Garden at pangalawa sa SM Baguio Atrium noong 2021.
Pinasimulan ito ng departamento sa pakikipagtulungan sa Tourism Promotions Board at suportado ng ang Kagawaran ng Agrikultura alinsunod sa Proclamation No. 469 noong 2018 na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang “Buwan ng Kalutong Pilipino” o Filipino Food Month upang isulong ang pagpapahalaga, preserbasyon at pagtataguyod ng mga tradisyon at kayamanan sa pagluluto ng Pilipinas, na tinitiyak ang paglilipat ng kaalaman sa mga susunod na henerasyon at suportahan ang iba’t ibang industriya, magsasaka, at pamayanang agrikultural.
Ayon kay Ganongan, ang ‘watwat’ ay isang tradisyonal na pagkain ng Cordillera na inihahanda sa anumang okasyon o pista. “Alam namin na sa okasyong dinadaluhan mo, bibigyan ka ng isang pirasong baboy pag-uwi mo, na isang tradisyonal na kaugalian sa Cordillera.
Aniya, bukod sa tampok na ito, matitikman din ng mga bisita ang iba’t ibang mga pagkaing etniko at makabagong pagkain na handog ng iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.
Samantala, sinabi ni Mayor Alfredo Chao-ig, ng Pasil, Kalinga, na kakatawanin nila ang lalawigan sa Mangan Taku Festival para itampok ang
‘Inanchilla at Slow Food dishes, isang sikat na local delicacy na dating pinili ng Arl of Taste of Slow Food International sa pagtatanghal nito sa Italya.
Aniya, ang ‘inanchila,’ ay ang katutubong Kalinga snack, habang ang ‘Slow Food’ dishes o delicacies na iluluto mula sa lokal na pananim na hindigumagamit ng mga kemikal sa pagkain o mga sangkap na pangkomersyo ay ipapakita sa booth ng munisipyo.
Zaldy Comanda/ABN

RELATED POSTS

AWARDED

AWARDED

Pinarangalan ng city government ang AZKCO Barangay bilang 1st Runner-up ng Best Lupon Tagamapayapa Incentive Award sa ginanap na Search...

TEA HOUSE KITCHEN BY CHONA

TEA HOUSE KITCHEN BY CHONA

is now open at Lower Ground Sunset Terraces of SM City Baguio. We can savor our all time favorite palabok, pansit, spaghetti, Chona’s...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest