Welcome 2019, pero?!

Jan 11, 2019

Heto na si 2019. Siya na ang bida. Kung merong mga kontrabida sa taong 2018, leksiyon na lamang natin sila. Pero ano ang dapat gawin sa kasalukuyang taon upang hindi na kumalimbang muli ang mga eksenang nagpabigat sa ating buhay sa nakaraan? Kayo, ako, ikaw, tayong lahat…dapat magkaisa upang ating isulong ang nagkakaisang hakbang tungo sa mas matatag na 2019. Pero…papaano kaya natin maitutulak ang unang hakbang na yan, mga pards kung sandamukal pang mga tinik sa ating landas? Sige, ating hahalukayin at lapirutin hanggang sa pinakamaliit na himaymay ng mga Pero, Bakit at Ano sa landas nating tatahakin:

******
Habang sinusulat ang espasyong ito, nadadagdagan pa ang bilang ng mga namatay, sugatan, missing at mga natrahedya sa mga lugal na inupakan ng bagyong si Usman. Mahigit sa pitumpo na ang patay at tiyak na mararagdagan pa habang isinasagawa ang rescue at retrieval operations. Papaano ba ang nangyari? Bakit humantong sa ganyan ang trahedya? Ayon sa mga analista, sa tuwing may parating na sungit ng panahon na maaring magbunga ng kalamidad, paulit-ulit na nagpapasabi ang pamahalaan hinggil sa kahandaan kasama na ang paglilikas lalo na sa mga lugal na delikado sa bagyo. Ngunit dahil sa tigas ng kukuti kaya may mga nabibiktima. Hindi nagpapabaya ang pamahalaan sa isyu ng paglilikas. Ngunit sadyang marami ang ayaw sumunod dahil sa maraming kesyo at quetenggo quetal. At ang masaklap, kapag may mga biktima na, saka isisisi sa

gobyerno. Haay buhay, magbago na tayo. Kung ano kasi ang utos, sundin upang walang sisihan sa bandang huli. Kawawa naman si gobyerno, hane? Walang pinag-iba ito sa isang taong nasa lansangan, siya na nga ang bumangga sa sasakyan, ang driver pa rin ang may kasalanan. Pwe!
******
Sa katatapos na selebrasyon ng Pasko at Bagong taon, may pagbabago naman kung mga sugatan dahil sa paputok ang usapan. Mas kakaunti raw ngayon, ayon sa DOH, ang naging pasaway. Sige, andiyan na kami at malaki ang naitulong ng maagap na pagkilos ng mga ahensiya ng gobyerno hinggil dito. Pero ang masakit, mahigit sa beinte ang kaso ng walang habas na pagpapaputok ng kanilang armas. Pito sa kanila, ayon sa ulat, ang pulis o otoridad. Maryusep! May mga napaulat ding tinamaan ng ligaw na bala dahil sa mga hungkag na mga nagpaputok ng armas. Napag-alamang kakastiguhin na ng PNP ang mga pasaway na mga pulis. Bulong: dapat hindi lang basta sibakin na sa puwesto ang mga yan kundi sibakin na bilang pulis para magtanda. At dagdag pa: hindi lang sana pagsibak kundi samahan pa ng mas mabigat na parusa. Kung yong isang isnatser na nang-isnatch para may pambili ng ulam ikinulong, ano pa kaya ang isang otoridad na nagpaputok ng baril na alam niyang bawal lalo kung nakapanakit ang ginawa.

******
Noong 2018, sangkaterbang mga paglabag sa batas ang naganap dahil sa illegal na droga. Meron daw naparusahan pero mga kuting lang. Yong mga matatabang isda, tinitimbang pa raw, ang alin? He he, dapat sa taong 2019, baguhin na ang ratsada. Mga higante ang bitayin, sabi nila. Kung puwede raw ay firing squad na. Marami ang nagtataka. Kahit halos araw-araw na may nahuhuli sa illegal drugs operandi parang hindi maubos-ubos ang mga suspects. Papano nga mauubos kung may mga kakutsaba naman kasi sa loob ng gobyerno? Ngakk!

******
Sa nakalipas na taon, marami na ang sinibak ng Duterte Administration dahil sa korapsiyon! Sa pamamagitan kaya ng pagsibak sa kanila ay lutas na ang kakurakutan? Owsss, upak ng marami. Sabi nga nila: walang kabusugan ang mga demonyong kurakot. Sagpang dito at doon kahit halos puputok na ang bituka. Sila ang dapat tutukan ng pamahalaan sa taong ito lalo pa’t maraming demonyo ang mamamayagpag dahil panahon ito ng eleksiyon. Tiyak na maglilipana muli ang mga mapagsamantalang negosyante na ang puhunan ay pulitika. Iisa lang ang maiiwan naming tapik, mga pards: ang pulitika ay turing na isang salot dahil nagpaparami ito ng mga Bulag, Pipi at Bingi sa lipunan. Hindi sa nilalahat ngunit kapag nakaupo na ang mga nabotohan, marami sa kanila ang nagiging Bulag sa problema ng bayan, at ang nakikita ay problema lang ng kanyang bulasa; may nagiging Pipi, walang dila kahit alam ang katiwalian; at Bingi sa daing ng bayan dahil sarili na lang ang kilala, wala ng iba. Belated happy b-day pala kay bosing Tom ng Amianan. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang...

BBM-Sarah Proklamado na!

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang...

Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest