WELLNESS AND LONGEVITY WEEK, ISASAGAWA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY

Nakatakdang isagawa ang kauna-unahang Wellness and Longevity Week sa Summer Capital na
gaganapin sa Marso 27 hanggang Abril 1. Ayon kay Blue Zones (Wellness and Longevity Movement) founder Danilo Quinto, ang “Wellness Walk” ay magsisimula ng alas 7:00 ng umaga mula sa SM City Baguio, papunta ng Session Road at patungo sa Malcolm Square. “Our first target is hopefully Malcolm Square to be the assembly area but it seems that the area is inappropriate and
reserved for those victims of the recent fire incident at Baguio City Public Market. But if Malcolm Square is not available, we’ll go back up and probably end at SM or Convention Center”.

Bukod dito, magkakaroon din ng opening ceremony at pagtatanghal ng mga grupo tulad ng Tai Chi, Tae Bo, at Jump Rope Philippines. Sa hapon ay magkakaroon naman ng mga pagsasanay ng jump rope para sa mga interesadong makilahok sa aktibidad, gayundin ang pamimigay ng libreng jump rope. Mabibigyan naman ng libreng ticket ang mga makikilahok sa Marso 27 para sa main event na gaganapin sa Abril 1.

Ayon kay Quinto ang theme ng programa ay SALUN-AT Wellness and Longevity Festival. (SALUN-AT means Health or Wellness). Maaaring isagawa muli ang itinuturing programa para sa mga susunod pang taon. Gayunpaman, ito ay bahagi na ng alternative health care law, na ayon pa kay Quinto “Maraming mga paraan upang mapanatili ang ating kalusugan at maiwasan ang sakit sa natural na paraan”.

Ron Christian Nacionales-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon