WHITE STRAWBERRY, IBIBIDA SA STRAWBERRY FESTIVAL

Photo Caption:

WHITE BERRY – Inaasahang magiging patok sa publiko ang ilulunsad na white strawberry ng municipal government ng La Trinidad sa kanilang pagdiriwang ng Strawberry Festival sa Marso 6.

Photo by Jerico Cayabyab/ABN

 

 

LA TRINIDAD Benguet

Ang kakaibang kulay na puting strawberry ay inaasahang magiging highlight ng selebrasyon ng Strawberry Festival sa La Trinidad, Benguet.  Ayon kay Mayor Romeo Salda, sa isang press conference, sa pagpapakilala ng mga puting strawberry sa kanilang bayan, napagpasyahan nilang maghanda para sa pagdiriwang “a twin strawberry cake because we already have the white strawberries aside from the existing red-colored varieties”.

Idinagdag ni Nida Organo, municipal agriculture office chief, na hindi bababa sa dalawang sakahan ang nagsimulang magtanim ng mga puting strawberry at handang tumanggap ng mga turistang gustong makaranas ng white strawberry picking. “They just have to coordinate with us or the tourism office because the farmers only have limited slots with only a few available compared to the
red berries,” sabi ni Organo.

Ang puting strawberry ay nagmula sa china na may dalawang uri: ang “snow white” at ang “milky way”, na may kakaibang texture at lasa na iba sa tipikal na pulang strawberry. Maaaring maranasan ng mga lokal at turistang bibisita ang white strawberry picking sa halagang P600 hanggang P700 pesos bawat basket. At para naman sa mga ayaw mag white strawberry picking maaari silang
bumili ng isang kilo sa halagang P1,000 pesos.

Ang strawberry festival ay mag uumpisa sa Marso 6 at magtatagal hanggang  Marso 31. Huli itong ginanap noong 2019 bago pumasok sa tatlong taong pahinga dahil sa pandemya.

By Jerico C. Cayabyab,UB Intern

Amianan Balita Ngayon