WHO consultant pinuri ang vaccination program ng Dagupan

LUNGSOD NG DAGUPAN, Pangasinan – Isang kinatawan mula sa World Health Organization (WHO) ang bumisita sa local government unit (LGU)-based vaccination site sa Lungsod ng Dagupan at pinuri ang mga inisyatibo ng lungsod sa aktibidad.
Sinabi ni Dr. Valerie Daw Tin Shwe, WHO consultant na ang proseso ng pagbabakuna ay napaka-organisado na nakita niya ang lugar sa unang pagkakataon noong Lunes (Marso 30).
“Very organized, very good management. The plan is excellent. The DOH, City Health Office and fire officers work together as one team for the success of the immunization program,” ani Dr. Shwe. Mananatili si Dr. Shwe sa Pangasinan sa loob ng isang buwan upang tingnan ang implementasyon ng routine expanded immunization program kabilang ang para sa mga measles (tigdas) at rubella.
Samantala, sa Laging Handa Network Briefing na ginawa noong Miyerkoles (Marso 31), sinabi ni Mayor Renato Gustillo ng San Carlos, Negros Occidental na ang kanilang vaccination program ay nag-umpisa noong Lunes (Marso 30) para sa mga doctor, city hospitals, nurses, midwives at mga empleyado ng ospital employees kasama ang mga pribadong ospital. Matapos mabakunahan ang mga frontliner, mas maraming residente ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na mabakunahan, aniya.
“So far, there has not been any adverse effects. I hope this will be an explanation that will encourage our constituents to get vaccinated,” pahayag ni Mayor Gustillo.
(VHS-PIA-Pang/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon