Women Got Talent

Community Billboard

Kinilala sa Kababaihan Festival ang iba’t-ibang natatanging kasuutan ng mga kababaihan ng Cordillera sa isinagawang Socio-cultural contest ng CSWDO at KALIPI Federation of Baguio, Inc. noong Miyerkules, Marso 27 sa PFVR Gym.

Ang mga kasuutang Cordillera na ini-modelo ng mga nagpaligsahan ay pinuna ni Hapiyoh’ Mi Culture and Arts Center, Inc. executive director Maria Catbagan-Aplaten (extreme left) na isa sa mga hukom sa nasabing paligsahan.

Pinaalalahanan niya ang mga kababaihan na may tamang paraan sa pagsuot ng mga natatanging kasuutan ng Cordillera. Nanalo sa paligsahan ang kinatawan ng Unit 1 na si Pamela Estigoy (extreme right) na nagmodelo ng kasuutan ng probinsiya ng Ifugao.

Kuha ni MJSdelRosario