“Wrong move” si PNP Chief Vicente Danao Jr. sa pagpayag na magpa presscon sila katabi ni Jose Antonio Sanvicente at mga magulang nito.
Lubos tuloy ang nangagalaiting reaksyon kontra sa mismong ahensyang nangangakong mangangalaga ng seguridad at kapakanan ng mamamayan. Hindi natin sinasabing hindi bahagi ng mamamayan ang pamilyang San Vicente, ngunit higit namang agrabyado ang kawawang security guard na sinagasahan ng nakababatang Sanvicente.
Nagpupuyos ang damdamin ng taumbayan na nagtatanong— kung hindi kaya naka SUV ang nanagasa ganyan din kaya ang magiging trato ng pulisya sa kanya bilang saspek sa aksidente? Malamang bagansya nga agad at baka patong-patong na kaso pa ang isinilip sa kanya.
Aminin na natin. Ang hustisya sa bansa ay hindi pantay. Walang piring. Sapagkat tayo ay nabubuhay sa isang lipunang pinaghaharian ng mas may kapangyarihan kontra sa naaping mga sektor.
Kanya’t may mga indibidwal na umaanib sa mga grupong may adbokasiyang pagkapantay-pantay dahil sa ganitong mga pangyayari. Yung iba nga’y sa armas na kumapit upang maipagtanggol ang mga karapatan at isulong ang kanilang kagalingan.
Muli, ang malagim na mukha ng pagtimbang ng hustisya sa bansa gaya ng mga pangyayaring nagaganap sa isyu ng pagkasagasa sa security guard ay isa na naman hamon sa papasok na panunungkulan ni PBBM sa bansa.
Mag-iiba kaya ang trato ng gaya ni Security Guard Christian Joseph Floralde sa ilalim ng isang President BBM kung nangyari ang insidente matapos ang June 30?
June 18, 2022
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024