Yap, magpapasa ng bill para sa muling klasipikasyon ng lupain sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Hiniling ni National Commission on Indigneous People (NCIP) Commissioner Gaspar Cayat kay Benguet Congressman Eric Go Yap ang pangangailangang magpasa ng panukalang batas para sa muling klasipikasyon sa mga lupain ng mga katutubo sa Benguet.
Sinabi ni Cayat na ang umiiral na klasipikasyon ng mga lupain sa lalawigan ay nagsasaad ng Forest Land, Timberland, National Park, atbp… ay kailangang muling iclassify upang maibalik ngayon kung ito ay Residential o Agricultural Land for Titling ayon sa mga alituntunin ng Department of Environment at Natural Resources (DENR) kapag hindi na ito ginagamit.
Sinabi ni Vice Governor Johnny Waguis, sa ilalim ng hurisdiksyon ng Sangguniang Panlalawigan ay tutugunan nila ang isyu mula sa hurisdiksyon ng Sangguniang Bayan.
Agad naman tinugunan ni Benguet Congressman Eric Go Yap ang kahilingan ng mga IP’s at bibigyan niya ng prioridad na magpasa ng Bill sa Kongreso para sa re-classification at sisiguraduhin niyang lahat ng mga katutubo ay mabibigyan ng linaw sa usaping ito.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon