BAGUIO CITY
“Ang zero suicide rate dahil sa mga isyu sa mental health ay posibleng makamit sa siyudad ng Baguio sa pamamagitan ng suporta ng komunidad,” pahayag ni Dr. Ricky Ducas Jr., Program Manager ng Mental Health and
Substance Use Unit ng City Health Services Office (CHSO), sa ginanap na City Hall Hour, noong Pebrero 12. Ayon kay Ducas, lahat ng serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa siyudad ay libre at noong nakaraang taon,
tinugunan ng unit ang 981 na kliyente, kung saan karamihan ay babae, na nagpapahiwatig na mas nagiging bukas ang mga tao sa pag-uusap tungkol sa kalusugang pangkaisipan at paghingi ng tulong.
Aniya, ang depresyon ang pangunahing problema sa kalusugang pangkaisipan kasunod ang bipolar disorder. Ang bilang ng mga kaso ng pagpapakamatay ay bumaba mula 36 noong 2023 sa 24 noong 2024, ngunit binigyang-diin na kahit ang 24 na kaso ay napakarami pa rin. “Suicide can be prevented,” ayon kay Ducas. Sa tanong na ‘posible bang makamit ang zero case ng pagpapakamatay’. “Yes,as long as we have continuous support coming from our community” Ang medical refills ay tumaas ng 600%, na nagpapahiwatig na ang karamihan sa mga pasyente
ay dumadalo sa mga follow-up check-up, na isang positibong senyales.
Bukod pa sa libreng gamot, nag-aalok ang mga health center ng psychosocial support para sa mga kliyente upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa aspetong ito. Ipinaliwanag ni Ducas ang koneksyon sa pagitan ng pag-abuso sa substance at kalusugang pangkaisipan, na sinasabi na madalas na bumabaling ang mga tao sa pag-aabuso sa substance bilang isang hindi malusog na paraan upang makayanan ang stress o panandaliang makaginhawa,
na sa huli ay may nakakapinsalang epekto sa kanilang kalusugan. Sinabi ni Dr.Ducas, “Treat your Mental Health like your Physical health, when your body and mind says something, always listen.”
Jobinthod Ampal/UB-Intern
February 15, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025