1 sugatan sa salpukan ng van at motorsiklo

Isa ang sugatan nang sumalpok ang motorsiklo sa van noong Mayo 3, 2018 bandang 1:30pm sa kahabaan ng Junction ng Tetep-an Road at Bakakeng Sur, Montecillo Road, Baguio City.
Sa imbestigasyon, binabagtas ng Mitsubishi L300 FB van na may conduction sticker number NL-0152 na minamaneho ni Marlon Cabrera Aguilar, 39anyos, residente ng Ticuan Tetep-an, Bakakeng Sur, Baguio City, ang kalsada at nag-left turn patungong Bakakeng Sur nang biglang sumalpok sa kabilang lane ang Kawasaki Rouser motorcycle na may plakang AU-23022 na minamaneho ni Donal Jack Duane, 34anyos, residente ng Hillside, Baguio City.
Bilang resulta, nagtamo ang motorsiklo ng sira sa harap at kaliwang bahagi samantalang nagtamo ng sira sa kaliwang bahagi ang van. Ang rider ng motorsiklo ay nagtamo ng sugat sa kaliwang hita at dinala ng BCEMS sa BGHMC para sa agarang lunas.
Kinumpiska ng mga rumespondeng traffic investigators ang driver’s license at OR/CR ng dalawang driver at sasakyan.

Amianan Balita Ngayon