10 TULAK NG DROGA NALAMBAT SA DRUG OPERATION SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation na
isinagawa ng Police Regional Office-Cordillera mula Disyembre 18 hanggang 24. Sinabi ng Regional
Operations Division (ROD) ng PROCOR, naaresto ng Baguio City Police Office (BCPO) ang walong drug personality habang isang drug personality ang inaresto ng Apayao Police Provincial Office (PPO) at Kalinga PPO.

Sa Baguio City, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Justin Kirby Cousins 19; Stephen Galande; 21; Ronald Dean Magallanes, 23; Matalino Vince Alisto, 32; Ian Cario, 18; Dale
Tayaba, 38; Alwin Camacho, 39; at isang 15 taong gulang na lalaki na menor de edad. Sa Apayao, ang drug suspect na kinilalang si Wagner Credo, 44, habang si Ronnie Dangiwan, 42, ay arestado sa
Kalinga.

Lahat ng mga naarestong suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang isang linggong antiillegal drugs operation ay
nagresulta sa pagkakasamsam ng kabuuang 11.21 gramo ng shabu at 358,005.20 gramo ng dahon ng Marijuana at fruiting top na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na P43,036,852.00.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon