LUNGSOD NG BAGUIO – Nasa 100 komunistang gerilya, part-time rebels, sympathizers at supporters ang iniwan ang underground rebel movement sa Cordillera mula Enero. Dahil ito sa pinaigting na mga operasyon ng Cordillera police at militar, ayon kay Cordillera police director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan, mula noon ay kumonti na ang hanay ng kilusang rebelde.
Sinabi ni Pagkalinawan na sa naitalang 100 sumuko, 55 ay mga miyembro ng Militia ng Bayan habang ang 45 iba pa ay underground group members. Karamihan sa kanila ay supporters ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) “Marco” (codename para sa Mt. Province) na napaulat na nag-ooperate sa Mt. province, Alfonso Lista at Aguinaldo sa Ifugao at KLG North Abra na nag ooperate sa mga bayan ng Boliney, Daguioman, Bucloc, Sallapadan, Malibcong, Lacub, Tineg at Baay-Licuan.
Ang bilang ng mga sumuko ayon kay Pagkalinawan ay,”is higher compared to the past 2 years, where only 69 was in 2018 and made a slight increase in 2019 with 72 surrenderees.” Naniniwala ang Cordillera police na ang bilang ng mga sumukong rebelde ay patuloy na dumarami “matapos mapagtanto na nakikipaglaban sila ng walang dahilan at nagdudulot lamang ng pagaalala sa kanilang pamilya at komunidad.”
Karamihan sa pahayg nila ay nagpatunay na patuloy silang nakararanas ng kahirapan, gutom, pagkahapo, at mga maling pangako at iba-ibang paglilinlang habang nasa NPA terrorist group sila.
Ang patuloy na pagnipis ng hanay ng mga rebelde dagdag pa ni Pagkalinawan ay dahil sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na nakuha na ng maraming dating rebelde “na tinatamasa na tama at pangmatagalang kapayapaan sa komunidad.” Ang malawakang information campaign at tactical operations na isinagawa ng mga sundalo at police ay naka-ambag din sa bumababa nang bilang ng NPA sa Cordillera, ayon sa opisyal ng police.
Humina na nag mga rebelde (sa rehiyon) dahil sa patuloy na pagkawala ng suporta ng mga komunidad, ayon pa kay Pagkalinawan na pinasalamatan niya ang mga halkbang ng lahat ng ahensiya ng gobyerno gayundin ng local government units (LGUs) sa rehiyon.
Mainit na tinanggap nbi Pagkalinawan ang mga sumuko at siniguro sa kanila na ang kanilang tagumpay sa kanilang “bagong buhay” habang nananawagan sa “iba pa na nasa mga bundok pa na bumaba na”.
Ang pagnipis ng hanay ng rebelde sa rehiyon ayon kay Pagkalinawan ay,” this could not have been possible without the united efforts and support of the LGUs, the Indigenous People (IP) communities and peace partner stakeholders under the Task Force in Ending Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC).”
(AAD/PMCJr.-ABN)
October 5, 2020
October 5, 2020
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025