BAGUIO CITY
Isang muling makabuluhang pagdiriwang ang isinagawa ng Baguio Filipino-Chinese Organizations sa pagdiriwang ng 24th Filipino-Chinese Friendship Day, kasabay ang pamamahagi ng gift packs sa 100 solo-parent na ginanap sa Filipino-Chinese Friendship Park, Botanical Garden, Baguio City, noong Hunyo 14. Ang selebrasyon ay dinaluhan ng Consul at Head of Post Ren Faquiang, Consulate of the People’s Republic of China sa Laoag City, kasama ang Baguio Filipino-Chinese Organizations sa pangunguna ni Peter Ng at mga opisyal ng lungsod. Ang mga napiling solo parents ay mula sa City Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Liza Bulayungan.
“Hindi matatapos ang pagkakaibigang ito sa kabila ng mga isyu sa pagitan ng dalawang bansa, dahil tayong mga nakatira dito sa Pilipinas,
dito ipinanganak at pagnenegosyo ay may dugong Pilipino para mahalin ang ating lugar at tumulong sa ating mga kababayan,” ani Ng.
Ayon kay Consul Faquiang, “Ako ay lubos na nalulugod sa relasyon ng mga Tsino at Pilipino sa Baguio City, dahil lagi kong nakikita ang
paggalang sa isa’t isa. Ang nalalapit na pagdiriwang ng ika- 50 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina ay nagpapatunay na ang
haba ng relasyon ay ang haba din ng pagkakaisa, pagtutulungan tungo sa ekonomiya ng dalawang bansa.”
Ang simpleng pagdiriwang ay isinagawa sa pamamagitan ng pagpapakawala ng mga kalapati at lobo bilang simbolo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at ang pinakatampok ay ang pamamahagi ng 100 grocery packs sa mga single-parent beneficiaries. Sa mensahe ni Mayor Benjamin Magalong na hatid ng kanyang Executive Assistant na si Doy Tabilog, lubos niyang pinuri ang Fil-Chi community sa lungsod sa kanilang mga kontribusyon mula sa community outreach programs, tulad ng pagpapatayo ng mga karagdagang school building sa mga paaralan at ang paghahatid ng tulong sa panahon ng kalamidad.
“Sa karagdagan, sila rin ang ating mga katuwang sa turismo, tulad ng ginawa nilang Chinoy mural na nagsisilbing atraksyon ng ating mga bisita at itong Fil-Chinese Friendship Park, na sila mismo ang nagpapaunlad at nagpapaganda, na isa sa mga lugar na dinarayo ng mga turista. Hindi dito nagtatapos ang ating relasyon sa isa’t isa, bagkus ay magpapatuloy para sa ikauunlad ng ating lungsod. Maraming
salamat sa kanyang mensahe,” dagdag pa ni Magalong.
Zaldy Comanda/ABN
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025