LAOAG CITY, Ilocos Norte
Ang mga residente ng Solsona, Ilocos Norte na ang mga bahay ay bahagyang nasira at nalubog sab aha dulot ng mga bagyong “Egay” at “Goring” noong Hulyo at Agosto ay nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno noong Martes, na pinangunahan ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD). Ang emergency cash transfer (ECT) program ay nagbigay ng PhP9,000 sa mga may-ari ng bahagyang nasirang mga bahay at PhP4,500 bawat isa sa mga lumubog ang mga
bahay.
Ang 1,078 mga nakatanggap ay bumubuo sa ikatlong grupo ng mga benepisaryo gn ECT sa buwang
ito. Bago ang pagbibigay, sinabi ni DSWD 1 director Marie Angela Gopalan na ang mga field office sa rehiyon ay pinatunayan at pinagsamasama ang listahan ng mga benepisaryo na may tulong mula sa Provincial Social Welfare and Development Office. “We are dependent on the quality of data submitted by the barangays sa MWSDO (Municipal Social Welfare and Development Office).
Numbers do not always match the actual list so we have to do spot validation,” dagdag niya.
Pinasalamatan ni Vice Mayor Jonathan de Lara ang DSWD at ang provincial government para sap ag-asikaso sa tulong pinansiyal. “We are so thankful to the national government gayundin ang provincial government sa pagtulong upang makabawi kami,” aniya.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
December 2, 2023
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024