LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Naaresto ng mga operatiba ng pulis ang nasa 108 suspek na kriminal sa dalawang araw na sunod-sunod na operasyon sa apat na probinsiya sa Rehiyon 1 noong Enero 27-28, ayon kay Brig. Gen. Rodolfo Azurin.
Sinabi ni Brig. Gen. Azurin, director ng Police Regional Office 1 (PRO1) noong Linggo na ang matagumpay na pag aresto sa mga suspek na kriminal ay nagawa dahil sa implementasyon ng mas
komprehensibong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa ilalim ng pamamahala ni Colonel Cesar Pasiwen, deputy regional director for operations ng PRO1.
Sa dalawang-araw na operasyon ay sinabi ni Azurin na nagsagawa ang mga pulis ng 15 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa 13 drug personalities at kumpiskasyon ng 8.0032 gramo ng shabu at 10.09 gramo ng marijuana na may kabuuang DDB value na PhP55,632.56.
Naaresto rin sa operasyon ng mga pulis ang dalawang top most wanted persons (municipal level) at 22 iba pa dahil sa iba’t-ibang kaso.
Gayundin, 29 iba pang katao ang inaresto sa paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms, habang 3 ang napatay sa operasyon. Sa pinaigting na kampanya upang mabuwag ang lahat ng iligal na aktibidades kabilang ang illegal gambling operations sa rehiyon, sinabi ni Azurin na naaresto ng pulis ang 42 katao at nakumpiska ang perang taya na nagkakahalaga ng PhP8,084.00.
“We will be more stringent in the implementation of the SACLEO on the days to come to ensure that all criminals will be apprehended and that peace and order will be felt in the whole region,” aniya. Sa 2-araw na operasyon ay narecover ng mga pulis ang kabuuang 106 iba-ibang baril kung saan 34 dito ay nakumpiska sa 32 operasyon ng pulis at implementasyon ng 30 search warrants, 41 ang isinuko, isa ang nakumpiska, at 30 ang idineposito para sa safekeeping sa pamamagitan ng “Oplan Katok”.
Samantala ay inihayag ni Azurin na mula Enero 1-28 ngayong taon, ang PRO1 ay nagsagawa ng 138 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkaaresto ng 144 katao, 43 dito ay nakalista at 101 ang hindi nakalista; at nakumpiska ang kabuang 180.6064 gramo ng shabu at 9,189.7126 gramo ng marijuana na may tinatayang DDB value na PhP2,330,889.032.
Sa kampanya laban sa loose firearms, sinabi niya na 26 operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagbawi sa 19 baril, 54 baril ang isinuko at 61 baril ang idineposito.
(FGL-PIA1/PMCJr.-ABN)
February 6, 2021
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025