LUNGSOD NG BAGUIO – Nasa 109,851 nawalan at naapektuhan ang trabaho sa Rehiyon ng Ilocos ang kumita sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), isang community-based na pakete ng tulong na nagbibigay ng emergency employment.
Ang TUPAD ay isang proyekto ng pambansang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa kabuuang bilang ng mga benepisaryo mula Enero 1 hanggang Disyembre 12 ng taong ito ay 9,568 ay mula sa Ilocos Norte, 37,118 manggagawa mula Ilocos Sur, 9,968 mula La Union, 13,295 mula Western Pangasinan, 14,014 mula Central Pangasinan, at 25,818 ang mula sa Eastern Pangasinan.
Sa isang panayam sa telepono noong Lunes, sinabi ni DOLE Ilocos information officer Justin Paul Marbella na nakapaglabas na ang DOLE ng kabuuang PhP444 miyon para sa mga sahod ng mga manggagawa na kinuha para sa cash-for-work services sa ilalim ng TUPAD program.
“The work of the beneficiaries ranged from disinfecting their barangays, cleaning their surroundings, repairing their homes, parks, schools, and other tasks ordered by their village chiefs,” aniya.
Sinabi ni Marbella na binigyan din ang mga manggagawa ng personal protective equipment at microinsurance upang maprotektahan sila sa kanilang pagtratrabaho.
“Nagpapasalamat ako dahil malaking tulong ito sa mga magulang ko, ibibigay ko ito sa kanila,” sinabi ni Evangeline Layno, isang residente ng Dagupan City at isa sa mga tumanggap.
Sinabi ni Layno na nagtratrabaho ang kaniyang ina bilang isang kasambahay habang ang kaniyang ama ay isang panadero.
“Magtatrabaho sana ako sa Bataan kaso naabutan ng pandemic,” dagdag niya. Si Layno at mga kapuwa niya tumanggap ay nagtrabago mulla 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi bilang street sweepers.
Samantala, sa kaniyang kamakailang pagbisita sa Dagupan City ay sinabi rin ni Deputy Speaker Loren Legarda, na sinusuportahan niya ang
programa ng gobyerno para sa pagbangon ng ekonomiya sa pagbibigay ng emergency na trabaho o tulong sa mga nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.
Sinabi ni Legarda na ang recovery plan sa coronavirus disease 2019 (Covid-19)ng gobyerno ay dapat isama ang pagpapatatag ng sustainable livelihood program (SLP) para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) household beneficiaries, at ang climate change mitigation programs.
“I believe in giving them the means to be able to have their own income (through) livelihood, we give a person the opportunity to learn how to fish so that they are good for life,” dagdag niya.
(HA-PNS Ilocos/PMCJr.-ABN)
December 18, 2021
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025