CAMP DANGWA, Benguet
Iniulat ng Police Regional OfficeCordillera ang makabuluhang pagkakasamsam ng iligal na droga na mahigit sa P387.6 milyon at ang pagkakaaresto sa 11 drug personalities, mula sa isang linggong operasyon sa buong rehiyon, noong Mayo 6- 12. Sa ulat ng Regional Operations Division, nakuha sa mga nahuli na suspek ang pinagsamang kabuuang 323.65 gramo ng hinihinalang shabu at 55 ml ng marijuana oil na may kabuuang Standard Drug Price na P2,203, 570.00.
Ayon sa mga ulat, mula sa 12 operasyong isinagawa, naaresto ng Baguio City Police Office ang apat na drug
personalities, na sinundan ng Kalinga Police Provincial Office na may tatlong inaresto, at Abra PPO, Apayao PPO, Benguet PPO at Mountain Province PPO na may tig-iisang arestado. Sa mga naarestong suspek, pito ang kinilala
bilang Streel Level Individuals at apat na High Value Individuals, na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang serye ng operasyon ng pagtanggal ng marijuana sa mga lalawigan ng Benguet at Kalinga ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng 1,692,360 piraso ng fully grown marijuana plant; 391,000 gramo ng dried marijuana at 1,200 piraso ng marijuana seedlings na may kabuuang SDP na P385, 440,000.00. Ang pulisya ay patuloy na nagsasagawa
ng mga pagbisita sa barangay at mga kampanyang pang-impormasyon upang palakasin ang pagsusumikap laban sa iligal na droga.
Zaldy Comanda/ABN
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024