12 KATAO HULI SA AKTONG NAGPUPUTOL NG PUNO SA KALINGA

CAMP DANGWA, Benguet

Arestado ang 12 katao matapos mahuli sa akto ng pagputol ng mga puno sa kabundukan ng Sitio Makilo, Barangay Calaccad, Tabuk City, Kalinga, noong Marso 24. Kinilala ang mga naaresto na sina Tiggangay Malana Dumirag, 69; Johndee Tumines Wecca, 29; Eddie Camangian Osalla, 52; Jake Balingwa Osalla, 19; Jeward Gusawil Sibayan, 22; Jody Manalay Dumirag, 42; Oliver Manalay
Gammad, 25; Garry Massinnac Gadduang, 46; Ohjie Manalay Gammad, 20; Rodel Dumirag
Banno-oy, 46; Rogelio Soyung Gallamoy, 52 at Ramon Lingog Dumirag, 65, pawang mga residente ng Sitio Makilo, Brgy. Calaccad, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay BGen. David Peredo, Jr., regional director ng Police Regional OfficeCordillera, tumugon ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company at Tabuk City Police Station sa panawagan ng DENR Kalinga kaugnay ng illegal logging activity sa lugar. Pagdating ng mga
rumespondeng tauhan, nadatnan nila ang isang grupo ng mga lalaking gumagawa ng Kaingin kung saan ilang sarisaring puno ang pinutol at ang ilan ay ginawa ng tabla.

Inaresto ang mga suspek habang nakumpiska ang mga sumusunod na bagay tulad ng isang standard na chainsaw ng STIHL na walang serial number; at nne medium type gas chainsaw.
Ang onsite inventory ng mga kahoy ay isinasagawa ng CENRO Tabuk City, habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Presidential Decree PD 705 (Revised Forestry Code of the
Philippines) at RA 9175 (Chain Saw Act of 2002).

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon