SAN FERNANDO CITY, La Union – Para masiguro ang mapayapang eleksyon, 123 kandidato mula sa Rehiyon 1 ang boluntaryong isinuko ang kani-kanilang armas,bilang tugon na rin sa kampanyang “OPLAN KATOK” ng pulisya na nagsasagawa ng door-to-door visit mga firearm holders na hindi nakakarenew ng kanilang lisensya.
Nabatid kay Police Regional 1 Regional Director Emmanuel Peralta, mula ng ipatupad ang COMELEC Gunban noong Enero 8 hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa 471 loose firearms ang isinuko at diniposito sa iba’t ibang police stations para sa safekeeping.
Sa nasabing bilang ay napag-alamang 149 ay mula sa mga 123 kandidato, samantalang ang 268 ay mula sa 149 private individuals.
“This is part of our massive campaign against loose firearms, especially in preparation for the National and Local Elections 2022. We are closely working with the COMELEC and our AFP counterparts to sustain what we have started well,” pahayag ni Peralta.
Ayon kay Peralta, ang matagumpay na kampanya ng “OPLAN KATOK” ay bunga ng masigasig na kampanya ng kapulisan para matamo ang malinis at mapayapang eleksyon.
Zaldy Comanda/ABN
February 26, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025