Buong pagmamalaking hawak ni Hans Danzel Sacla ang kanyang gintong medalya matapos magwagi ng unang pwesto sa Brazilian Jiu Jitsu Heavyweight category sa BJJFP: Northern International BJJ Open Gi & No Gi Championship 2025, na ginanap noong Abril 12, sa
YMCA, Baguio City. –
Ruth Angeli B. Nonato – UB Intern
BAGUIO CITY
Pinatunayan ni Hans Danzel Sacla, 14-taong-gulang na Grade 8 student mula sa Our Lady of Mt.Carmel Montessori – Camdas, ang
kanyang galing sa larangan ng martial arts matapos masungkit ang unang pwesto sa Brazilian Jiu Jitsu Heavyweight category sa BJJFP: Northern International BJJ Open Gi & No Gi Championship 2025 na ginanap sa YMCA, Upper Session Road, Baguio City. noong Abril 12.
Ang tagumpay na ito ay lalo pang kahanga-hanga dahil si Sacla ay nagsimula lamang mag-aral ng Brazilian Jiu Jitsu dalawang buwan bago ang kompetisyon. Sa kabila ng limitadong oras ng paghahanda, nagtagumpay siya dahil sa kanyang dedikasyon, tiyaga, at disiplina.
Bahagi ng kanyang paghahanda ang masusing pagsasanay, isang striktong diyeta, at pagsunod sa tamang nutrisyon at pahinga. “Walang
kinakain, puro tubig lang—yan yung pinaka-nahihirapan po,” ani ni Sacla, na naglaan ng 2-3 oras kada araw para sa masinsinang training.
Buong galak din niyang ibinahagi ang kanyang layunin na magpatuloy sa mga kompetisyon at maging inspirasyon sa kabataan. “Opo,
gusto kong makisali sa next. Gusto ko makisama sa Batang Pinoy po para maging maayos na tao, inspirasyon. Sa mga kasama ko, good luck po; sa mga nanalo at hindi nanalo, congrats pa rin basta lang merong experience.”
Ayon sa kanyang coach, kitang-kita ang malaking pag-unlad ni Sacla sa maikling panahon. “Continuous naman yung training namin sa kanya. Malaki yung in-improve ni Hans simula noong pumasok siya sa gym. Dati parang beginner pa talaga, but nakikita ko na tuloy-tuloy yung ensayo niya. Ayun, may nakita kaming potential, at maganda naman performance niya sa competition,” ani ng coach. Ang tagumpay ni Hans Danzel Sacla sa Brazilian Jiu Jitsu ay hindi lamang sumasalamin sa kanyang talento kundi pati na rin sa kanyang determinasyon na patuloy na pagbutihin ang sarili. Isa siyang inspirasyon sa mga kabataang atleta na nagnanais magtagumpay sa kanilang larangan.
Rizza Hull/UB-Intern
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025