14 JAIL FACILITIES IDINEKLARANG DRUG- FREE NG PDEA

Photo Caption: DRUG-FREE JAIL – PDEA Regional Director Laurefel Gabales (4th from left) awarded a resolution and certificates to Jail Superintendent April Rose Ayangwa declaring the Baguio City Jail-Male Dorm as drug-free facilities for Persons Deprived Liberty and drug-free workplace. The occasion was witnessed by BJMP Regional Chief of Staff Nemesio Reyes and Assistant Regional Director for Administration Jail Supt. Elizabeth Garceron held at BCJMD multipurpose hall on January 5.

Photo by Zaldy Comanda/ABN


BAGUIO CITY

Pinarangalan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 14 na pinamamahalaang kulungan ng
Bureau of Jail Management and Penology-Cordillera bilang drug-free facilities for Persons
Deprived of Liberty at drug-free workplace sa paggawad ng mga resolusyon na ginanap noong
Enero 15. Ang 14 na kulungan ang unang nakatanggap ng drugfree resolution mula sa PDEA,
matapos ang mahabang pagsusuri sa mga jail facility, maging sa mga PDL na sangkot sa ilegal na droga.

Sa ilalim ng Dangerous Drug Board Regulation No.2 series of 2020 na nagtatadhana para sa Guidelines in the Nationwide Implementation of Drug Clearing Program in Controlled Facilities for PDL’s, isang Oversight Committee ang nilikha na magsasagawa ng mga pagsusuri, i-verify ang lahat ng kinakailangang impormasyon/ dokumentong isinumite ng kulungan mga aplikante, bago
maglabas ng mga resolusyon at ideklara ang mga pasilidad na walang droga.

Ang unang ginawaran bilang drug-free facility para sa PDL’s at drug-free workplace sa Cordillera ay ang Baguio City Jail Male Dorm, Baguio City Jail Female Dorm, La Trinidad District Jail Male Dorm, La Trinidad District Jail Female Dorm, La Trinidad Municipal Jail, Buguias District Jail,
Mountain Province District Jail, Ifugao District Jail, Alfonso Lista District Jail ng Ifugao; Tabuk District Jail ng Kalinga; Luna District Jail ng Apayao; Bucay District Jail ng Abra; Itogon Municipal Jail, Tuba District Jail sa Benguet.

Ayon kay PDEA Regional Director Laurefel Gabales, layunin ng programang ito na alisin sa isipan ng mga tao na ang kulungan ay hindi ligtas sa iligal na droga, kaya naisipan ng pamahalaan na gawin itong batas para malinis ang loob ng mga pasilidad ng kulungan mula sa droga, maging ang mga PDL’s na kinasuhan ng illegal drugs, na maalis sila sa masasamang gawain, para magkaroon sila ng magandang buhay paglabas nila.

“Totoo na kahit sa loob ng kulungan ay may mga transaksyon sa droga, kaya naman ang isang pasilidad na naglalayong maging drug-free ay dumaan sa masusing imbestigasyon at nasa kamay ng mga tauhan ng kulungan kung paano nila mapapanatili na ligtas ang kanilang pasilidad
laban sa drugs .Ang PDEA ay kaakibat ng BJMP para pangalagaan ang pasilidad at ang PDL para ituwid ang kanilang landas laban sa droga,” phayag ni Gabales.

Ayon kay PDEA Information Officer Rosel Sarmiento, ang 14 na managedjails ng BJMP ay pumasa sa evaluation ng Oversight Committees at inisyuhan ng Resolution noong Nobyembre 2023.
Nabatid na kontrolado o pinamamahalaan pa rin ng local government unit ang Abra Provincial Jail at Benguet Provincial Jail. Ayon kay Sarmiento, ipinakita ng Benguet Provincial Jail ang kanilang interes na maging Drug Cleared at hinihintay na lamang nilang maisakatuparan ang Memorandum of Agreement sa PDEA.

ZC/ABN

GETTING READY

Amianan Balita Ngayon