14 OSPITAL NG GOBYERNO SA PANGASINAN NAKAKUHA NG PHP55-M GRANT SA MAHIHIRAP NA PASYENTE

MALASIQUI , Pangasinan

Ang mga mahihirap na Pangasinense ay mabebenipisyuhan mula sa PhP55.4 million grant na ibinigay sa 14 na pinapatakbong-gobyerno na provincial hospital sa pamamagitan ng Medical Assistance for Indigent and Financially
Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng Department of Health (DOH). Ang pondo ay nagmula sa Office of Senator Christopher Lawrence Go at ibibigay sa Asingan Community Hospital, Bayambang District Hospital, Bolinao Community Hospital, Dasol Community Hospital, Eastern Pangasinan District Hospital, Lingayen District Hospital, Manaoag Community Hospital, Mangatarem District Hospital, Mapandan Community Hospital, Pangasinan Provincial Hospital, Pozorrubio Community Hospital, Umingan Community Hospital, Urdaneta District Hospital, at sa Western Pangasinan District Hospital, na tatanggap ng PhP3.96 million grant bawat isa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Pangasinan Governor Ramon Guico III, ay pinasalamatan niya ang senador at ang DOH para sa pondo. Pipirmahan niya ang isang memorandum of agreement kasama ang DOH-Ilocos Region para sa implementasyon ng medical assistance program, na suportado ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa
kanilang sesiyon noong Lunes. Ang financial aid program ay nagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga hikahos at
mahihirap na pasyente na humihingi ng medical examination, konsultasyon, paggamot, at rehabilitasyon at sa mga naka-confine sa mga ospital ng gobyerno. Maliban sa mahihirap na pasyente, sinabi ng DOH, sa ilalim ng Administrative Order No. 2020-0060, na “a patient who is not classified as indigent but demonstrates the inability
to pay or spend for necessary expenditures for one’s medical treatment” ay maaaring magapply sa tulong pinansiyal.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon