STO. TOMAS, PANGASINAN – Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) office dito na 149 na kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa 10 barangays ng bayan ay itinuturing na sure winners sa darating na Mayo 14 polls.
Ayon kay Zenaida Diaz, Comelec election officer ng bayang ito, ang mga kandidatong ito ay maaaring manalo sa darating na eleksiyon sa susunod na buwan kahit na isang boto lamang.
Sa tala ng Comelec na mayroong 10 unopposed candidate para sa barangay captain, 70 para sa barangay kagawad, at siyam para sa SK chairman at 60 sa SK kagawad.
“According to the candidates, they are unopposed because they have unity in this town,” aniya.
Sinabi niya na ang mga kandidato ay nagkita sa isang convention kasama ang mga local leader bago nagpila ng certificate of candidacy (COCs) noong Abril 14 hanggang 21.
“They told me that they will still campaign despite their sure victory as the aspirants for barangay kagawad positions will compete in the ranking,” dagdag niya.
Idinagdag ng Comelec na ang mga barangay chairman ng Poblacion East, Poblacion West, Salvacion, San Agustin, San Antonio, San Jose, San Marcos at Sto. Domingo ay mga re-electionist samantalang ang mga kandidato ng barangay Sto. Nino at La Luna ay bagong kandidato.
Ang Barangay Sto. Nino ay walang kandidato para sa SK chairman. Isa lamang ang nagpila ng COC para sa SK kagawad, samantalang ang Barangay San Marcos ay may tatlong kandidato para sa SK kagawad.
Ang Sto. Tomas ay may kabuuang 8,102 registered voters, 2,653 ang botante para sa SK candidates.
Hinihikayat ni Diaz ang mga botante na ipatupad pa rin ang kanilang karapatan sa pagboto, binanggit pa na “a voter will be delisted from the Comelec’s record for failure to vote in two consecutive elections.”
Pinakiusapan din niya ang mga unopposed candidate na pagsilbihan ang kani-kanilang constituents na may kalidad na serbisyo. H. AUSTRIA, PNA / ABN
April 28, 2018