CAMP DANGWA, Benguet – Labinglimang police personnel ang ginawaran ng parangal dahil sa kani-kanilang mahusay na pagganap sa police operations at sa kanilang masidhing commitment sa kanilang tungkulin.
Pinangunahan ni Brigadier General Bismarck Soliba, commander Mechanized Infantry Division (MID) ng Philippine Army, bilang guest of honor sa programang ginanap sa flag raising para sa pag-pin ng siyam na Medalya ng Papuri, tatlong Medalya ng Kagalingan at tatlong Medalya ng Paglaban sa Manliligalig sa 15 uniformed personnel.
Ang mga tumanggap ng Medalya ng Papuri ay sina Senior Insp. Juan Carlos Recluta, PO2 Ben Gabino Jr. at PO2 Cyrus Vanci Backen, pawang nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion 15; Senior Insp. Allanvrix Casia, PO1 John Macaiba Jr. at Christian Guinnayao ng 1503rd Maneuver Company of RMFB15; Senior Insp. Arnold Lising, SPO4 Elmerlito Dangli at SPO1 Limuel Charopeng ng Baguio City Police Office.
Sa Medalya ng Kagalingan ay sina Senior Insp. Zacarias Caloy Dausen, PO1 Filbert Flores at Jefferson Edal ng RMFB.
Sina SPO4 Ceasar Cattiling, Anthony Cong-o at Dennis Aranca ang tumanggap naman ng Medalya ng Paglaban sa Manliligalig.
Pinuri at nanawagan si Soliba sa men and women ng PROCOR na panatilihin at palakasin ang partnership sa publiko at mahusay na serbisyo sa komunidad.
ZC/ABN
February 5, 2019
February 5, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025