1,500 LUMAHOK SA BAGUIO DANCE FESTIVAL

BAGUIO CITY

Mahigit 1,500 mananayaw mula sa buong Luzon, Visayas, at Mindanao ang nakatakdang makilahok sa kauna-unahang Baguio Dance
Festival, isang landmark event na nagdiriwang ng kultura ng sayaw at talento ng kabataan sa siyudad ng Baguio. Sa temang “Sway to the
Summit- Dancing Beyond Borders”, ang Baguio Dance Festival ay inaasahang magtatakda ng bagong pamantayan para sa mga dance
event sa rehiyon – isa na nagtatanghal ng inclusivity, excellence, at Filipino artistry sa loob at labas ng entablado.

Ayon kay Councilor John Rey Mananeng, layon ng aktibidad na palawakin pa ang partisipasyon ng lungsod bilang creative city at good training ground for sports enthusiasts. “This is one of our strong commitments to preserve Baguio’s identity as UNESCO’s creative city as we are instilling folk arts through dances and our commitment to preserve our culture in Baguio,” dagdag ni Mananeng. Ayon sa event organizer na si Harriet Astodillo, mahigit 500 dancesport athletes mula sa iba’t-ibang parte ng bansa tulad ng Zamboanga, Cebu at Cagayan Valley ang sasabak sa iba’t ibang kategorya sa dalawang venue: St Vincent Gym at BCU Magsaysay Campus.

Ipinahayag ni Iverson Estadillo, isang student athlete at inspirasyon ng festival, na ang Baguio Dance Festival ay hango sa kanyang pangarap na magdala ng pambansang atensyon sa baguio dance community. “My deep admiration for arts, especially in the artistry and diversity of dance. As an athlete, lagi po kaming lumalabas sa place namin and why not have a competition sa place naman namin,” pahayag ni Astodillo. Ang dance festival ay magsisimula sa Abril 23 sa isang parada sa Session Road, na nagtatapos sa Melvin Jones
Grandstand sa isang tradisyonal na ritwal na pinangunahan ng indigenous community ng Baguio.

Ang festival ay gaganapin mula Abril 23 hanggang 26, 2025, at itatampok ang mga pangunahing kaganapan, kabilang ang dance sports, hip-hop battles, street dance crews, at cultural dance showdown, pagguhit ng record-breaking na partisipasyon mula sa mga paaralan, organisasyon ng sayaw, at mga delegasyon sa rehiyon. Ang 4 na araw na pagdiriwang ay gaganapin sa iba’t-ibang parte ng lungsod kabilang ang Bakakeng Central Barangay Gym at CJH Bell Amphitheater, kung saan gaganapin ang mga kumpetisyon, workshops at
ang final awarding ceremony sa pagtatapos ng selebrasyon.

Adrian Brix Lazaro/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon