15K METRIKO TONELADA NG ASIN PUNTIYRANG GAWIN NG PANGASINAN

BOLINAO, Pangasinan

Puntirya ng pamahalaang probinsiya ng Pangasinan na mag-ani ng nasa 15,000 metriko tonelada ng asin mula sa 473.8-ektarya na Pangasinan Salt Center farm nito sa Barangay Zaragoza, Bolinao Pangasinan.

Sa isang panayam noong Huwebes ay sinabi ni Nestor Batalla, assistant provincial agriculturist na sa unang siklo ng produksiyon ng asin mula Nobyembre hanggang Disyembre ng taong ito, puntirya nila na mag-ani ng nasa 8,000 hanggang 10,000 metriko tonelada na may tinatayang sales value na PhP40 milyon hanggang PhP50 milyon.

Ang unang siklo ay dapat magsimula noong Oktubre ngunit naantala dahil sa maulang panahon.
“Ang aning ito ay katumbas ng isang kilo ng asin bawat metro kuwadrado kada araw at mayroon kaming 10 ektarya ng salt farm na ibinebenta sa halagang PhP5 hanggang PhP6 nawat kilo sa
ngayon,” ani Batalla na tinutukoy ang rock salt na kilala sa lugar na “barara”.

Sinabi ni Batalla na para sa ikalawang siklo mula Pebrero hanggang Mayo 2024, kung pahihintulutan ng panahon na may magandang sikat ng araw at walang mga bagyo, puntirya nila ang nasa 15,000 hanggang 20,000 metriko tonelada ng aning asin na may tinatayang halaga na PhP75 milyon hanggang PhP100,000 milyon.

Sinabi niya na ang produksiyon ng asin ay tatagal lamang ng lima hanggang anim na buwan bawat taon ngunit plano nila na gawin ang mga suson ng asin na palaisdaan upang itaas ang high-value
marine fish species sa panahon ng tag-ulang mga buwan. Sinabi ni Vice Governor Mark lambino sa ceremonial harvest noong Huwebes, na magpapasa ang Sangguniang Panlalawigan ng isang
ordinansa na isama sa revenue code ang komersyalisasyon ng produktong asin ng probinsiya.

“Tiyak na magbibigay ito ng kita at kabuhayan, at lalo na, pinapatibay ng probinsiya ang pamana nito bilang isang salt producer ng bansa,” aniya. Sinabi ni Pangasinan Governor Ramon Guico III na umaasa ang pamahalaang probinsiya sa positibong mga resulta, at binanggit na ang pamamahala ng salt farm ay isang uri ng eksperimento.

Ang probinsiya ay pansamantalang diskarte sa pamamahala para sa pagpapahusay at pagpapaunlad ng salt farm sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement kasama ang Department of Environment and Natural Resources noong Disyembre ng nakaraang taon upang itaas ang produksiyon. Ang proyekto ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lutasin ang krisis ng asin sa bansa.

Sinabi ni Batalla na sa kabila ng pagiging arkipelago ng Pilipinas, 93 porsiyento ng pangangailangan sa asin ng bansa ay inaangkat mula sa China at Australia sa gitna ng pagiging kapuluan nito. Samantala, sinabi ni Guico na ang paglilipat ng pamamahala ng salt farm mula sa isang pribadong entidad sa gobyerno ng probinsiya ay pangunahing nabenipisyuhan ang 70 magsasaka ng asin na nagpapatuloy na magtrabaho dito.

Sinabi ni Primo Rubang, isa sa mga magsasaka ng asin, na nawalan sila ng pinagkakakitaan nang magsara ang salt farm tatlong taon na ang nakakaraan. “Pero ngayon maganda na. May sahod kami araw-araw at tuloy tuloy ang trabaho,”.

(HA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon