16 BAGUIO HEALTH FACILITIES NAKALISTA PARA SA ‘KONSULTA’ NG PHILHEALTH

LUNGSOD NG BAGUIO

May kabuuang 16 health facilities na binubuo ng 13 district health centers at tatlong private medical hubs sa Baguio ang binigyan ng
akreditasyon bilang “Konsulta” providers ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Sinabi ni Janet Pelaez, chief social insurance officer ng PhilHealth-Baguio na ang mga pasilidad ay sumunod sa mga mandatory requirement para sa accreditation bilang isang
“Konsultasyong Sulit at Tama” (Konsulta) program provider. Layon ng Konsulta na magbigay ng primary care benefits para sa mga miyembro nito kabilang ang consultation at case management, mga medisina, laboratorio, tutulong sa mga karapat-dapat na mga benepisaryo sa pag-assess ng mga serbisyo sa mga partner facilities, at referral sa specialty o mas mataas na antas ng pag-aalaga.

Mayroon ding 13 laboratory tests na maaaring makuha gaya ng complete blood count (CBC) with platelet count, urinalysis, fecalysis, sputum miceoscopy, at fecal occult blood. Ang 13 district health center ay ang Asin, Atab, Atok Trail, Campo Filipino, City Camp, Engineer’s Hill, Irisan, Loakan, Lucnab, Pacdal, Quirino Hill, at Quezon Hill. Ang Baguio ay may 16 district health centers. Ang mga accredited hospitals ay ang Baguio General Hospital and Medical Center, Philippine Military Academy at ang Olympian Medical and Diagnostic Center. “Maaari nang makakuha ang publiko ng kanilang PhilHealth packages sa mga pasilidad maging bilang mga pasyente o upang maiwasang maging isang pasyente,” ani Pelaez.

Sinabi ni Dr. Dominga Gadgad, regional director ng PhilHealth-Cordillera sa isang panayam ng media na patuloy silang makikipagkita sa mga private health facilities na nag-aalok ng accreditation para sa Komsulta Package upang bigyan ang mga pasyente ng mas maraming pagpipilian para sa kanilang pangangailangang pangkalusugan. Maliban sa accreditation ng mga pasilidad, hinikayat din ang publiko na magparehistro para sa Konsulta Package upang mapasailalim sila sa “first patient encounter” at matiyak kung anong gamutan, referrals o mga serbisyo ang dapat nilang kunin kasama ang preventive care services upang makasiguro ng isang mabuting kalusugan.

(LA-PNA CAR/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon