LA TRINIDAD, Benguet
Bilang resulta sa manhunt operation ng mga taong pinaghahanap ng batas, may kabuuang 1,657 wanted person ang nadakip sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ng Cordillera, mula Enero 1. hanggang Disyembre 31. Ayon sa ulat ng Regional Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office- Cordillera, naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 632 wanted person, sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may 454 arestado; Kalinga PPO na may 147 arestado; Abra PPO na may 137 arestado; Ifugao PPO na may 122 arestado; Mountain Province PPO na may 88 arestado, at Apayao PPO na may 77 arestado.
Sa 1,657 wanted na personalidad na naaresto, 354 ang nakatala bilang Most Wanted Persons; 28 sa Regional Level,
203 sa Provincial Level, at 123 sa Municipal Level. Ayon kay Brig.Gen.David Perdo,Jr., regional director, labis niyang pinasalamatan ang walang patid na dedikasyon ng kapulisan na aktibong nakikibahagi sa mga coordinated manhunt
operations na ito. Ang mga pagsisikap na ito ay humantong sa matagumpay na pagkahuli ng maraming indibidwal na itinuturing na wanted ng batas.
Zaldy Comanda/ABN
January 4, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025