Inulat ng City Health Services Office hanggang nitong Nobyembre 11 na mayroong 16,784 kabataan edad 12 hanggang 17 taong gulang ang nabakunahan ng first dose ng Pfizer – matapos lamang ang walong araw na pagbabakuna sa nakababatang populasyon bilang proteksiyon laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Dr. Rowena Galpo, pinuno ng CHSO na ang pagbabakuna sa nasabing grupo ng edad ay nag-umpisa noong Nobyembre 3 na may average daily jab na 2,500 para sa unang limang araw.
Sa 16,784 katao na may isang dose hanggang nitong Nobyembre 11, mayroong 2,504 na may comorbidities habang 14,280 ang kasama sa
pediatric population edad 12 hanggang 17 na grupo.
Ang kabuuang bilang ng nabakunahan ay binubuo ng 36.7 porsiyento ng eligible population ng 42,811 na tinantiya ng Department of Health.
“If we target 80 percent vaccination coverage as set by DOH and assuming that we will maintain an average of 2,500 first dose jabs per day, then we will be able to reach the target in 14 vaccination days or by Nov. 20,” ani Galpo sa management committee meeting ng mga city department heads noong Nobyembre 8.
Ipinaliwanag niya na kung ang puntiryang pagbabakuna sa pediatric population ay 100 porsiyento, ito ay makakamit sa loob ng 17 araw ng pagbabakuna o hanggang Nobyembre 24.
Gayunpaman, kailangan ng CHSO at ng risk communication teams ng lungsod na maabot ang mga magulang at guardians na payagang mabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa 42,811 pediatric population mahigit lamang 23,000 ang nagparehistro sa bakuna.baguio.gov.ph website para sa pagbabakuna.
(JPS-PIO/PMCJr.-ABN)
November 14, 2021
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025