1,795 kabataan, tinamaan ng COVID sa Baguio

BAGUIO CITY – Mula ng sumiklab ang pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) ay naitala ang 1,795 pediatric population na nasa edad 5 -11 ang tinamaan ng transmissible Delta at Omicron variants sa siyudad ng Baguio.
Mula sa data analysis ng City Health Services Office at ng University of the Philippines Baguio – Department of Mathematics and Computer Science, ang nasabing bilang ay naitala noong Marso 2020 hanggang Pebrero 8,2022.
Ang mataas na bilang kaso sa nasabing edad ay nakita noong pagsipa ng Delta variant sa lungsod noong Setyembre 2021 sa bilang na 498 at
sinundan ito ng 318 cases noong nakaraang buwan dulot ng mabilis na nakakahawang Omicron variant.
Ayon kay City Health Services Officer Dr. Rowena Galpo, sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa mga menor de edad na gumala at manatili
lamang sa bahay, ay hindi umano maiwasan ng mga bata ang magkaroon ng infection.
Mahigpit na pinalalahanan ng CHSO ang mga magulang na ingatan ang bata sa loob ng bahay at panatilihin ang minimum public health
standards hangga’t patuloy pa ang pandemya.
Samantala, iniulat din ng CHSO ang 397 deaths na naitala noong Agosto 18,2021 hanggang Enero 2022 ay 299 ang hindi bakunado.
Sinabi na ang mga hindi bakunado ay nakapagtala ng highest fatality rate na 4.12 percent with 299 out of 7,255 na unvaccinated individuals na tinamaan ng COVID-19.
Mula sa 329 moderate cases na naitala sa parehong period, ay 180 ang hindi bakunado. 16 ang hindi eligible para sa vaccination at 16 ang hindi fully vaccinated.
Lumitaw sa mathematical computation ng city’s COVID-19 data na ginawa din ng UP-CMCS at ng City Epidemiological Surveillance Unit na ang isang fully vaccinated ay 252 times na less chances of dying kumpara sa hindi bakunado.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon