MALASIQUI, Pangasinan
Nasa 193 police personnel ang ipinadala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang magsilbi bilang Special Electoral Boards SEBs) para sa nalalapit ng national at local elections at BARMM Parliamentary Elections. Sinabi ni Police Regional Office 1 director Brig. Gen. Lou Evangelista na ang pagpapadala ay parehong isang dagdag-pwersa para sa mga pagsisikap sa kapayapaan at kaayusan sa BARMM, at isang oportunidad ng professional development para sa personnel.
Ang pagpapadalang ito ay isang direktang pagganap ng kanilang sinumpaang tungkulin at nagtatanghal ng isang mahalagang opotunidad para sa pag-aaral na walang alinlangan na mapaunlad ang kanilang mga kakayahan at mahasa ang kanilang propesyonalismo,” aniya sa panahon ng send-off ceremonies noong Martes. Pinaalalahanan niya ang mga opisyal na itaguyod ang integridad ng Philippine National Police (PNP), respetuhin ang mga karapatang pantao, at gampanan ang kanilang mga tungkulin nang may pag-iingat at pagiging propesyonal.
“Hinihimok ko kayo na unahin ang inyong kaligtasan sa lahat ng oras at ipagmalaki kayo ng inyong mga pamilya at ng PRO 1,” ani Evangelista. Ang mga ipinadalang personnel ay sumailalim sa pagsasanay mula sa Commission on Elections (Comelec) at sinertipikihan ng Department of Science and Technology (DOST) na mag-operate ng automated counting machines (ACMs). Samantala, siniguro ni Evangelista na ang Rehiyon ng Ilocos ay nananatiling lubos ang seguridad na may higit 5,000 police officers na itatalaga sa lahat ng voting centers sa araw ng halalan.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
May 3, 2025
May 3, 2025