199 bagong miyembro ng PNP-CAR nanumpa

CAMP DANGWA, LA TRINIDAD, Benguet – May kabuuang 199 lalaki at babae ang nanumpa noong Huebes bilang mga bagong miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa regional headquarters dito.

Ang batch ay binubuo ng 152 lalaki at 7 babae. Napili sila mula sa 1,185 aplikante sa umpisa ng recruitment process para sa batch na ito.

Simula sa unang araw ng kanilang serbisyo, ang mga bagong personnel ay makakatanggap ng PhP29,668 buwanang basic salary na makukuha nila sa pamamagitan ng Land Bank Automatic Teller Machine Cards.

Sinabi ni Police Regional Office Cordillera director Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson na ang 199 ay sasailalim sa anim na buwang pagsasanay sa Cordillera Administrative Region Training Center sa Teachers Camp, Baguio City.

Susundan ito ng isa pang anim-na-buwan na immersion o Field Training Program sa mga police stations bago sila maitalaga sa kanilang assignments..

“Inilalagay natin sila sa regional mobile force battalion bago sila ma-assign sa mga istasyon ,” ani Dickson. Kasabay ng panunumpa ay ang paglalagay ng ranggo sa dalawang police colonel na tinanggap ang kanilang appointment noong Enero 27 mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang mensahe ay pinayuhan ni Col. Laureano Alexie Marinas ang mgabagong pulis na maging tapat sa kanilang tungkulin, laging magalang at sumunod sa mga tuntunin dahil ang ganitong pag-uugali ang naglagay sa kaniya mula sa isang non-officer sa isang colonel na ngayon.

“In our career as police officers, we will take off… but we must make sure to land safely,” ani Mariñas. Sinabi ni Col. Mario Mayames, isa sa mga bayani ng Marawi siege na tumanggap din ng kaniyang appointment na ang pagsunod na natutunan niya sa bahay ay nagdala sa kaniya sa Philippine National Police Academy bilang kadete at nakalagpas siya sa matinding pagsasanay at serbisyo.

Nagsilbi si Mayames sa tatlong Presidente bilang isang miyembro ng Presidential Security Group at isang full-blooded Special Action Force trooper.

Samantala sa kaniyang mensahe ay sinabi ni Dickson sa mga bagong personnel na ang panunumpa ay umpisa pa lamang ng isang bagong buhay para sa 199.

“You will don today the uniform of the PNP. You will be a different person, leave your civilian antics and start being uniformed personnel serving the Filipinos and the flag that represents it,” aniya.

“You will be putting duty, service, honor, and justice over and above your personal comfort. Swear allegiance to duly established authority, defend the constitution, and most of all, serve the Filipino nation without a hint of reservation,” ani Dickson.

Pinaalalahanan din ni Dickson ang mga bagong pulis na tumulong sa anti-terror, anti-illegal drugs at iba pang anti-criminality programs ng administrasyong Duterte.

Sinabi niya na ang magsilbi sa bayan sa pamamagitan ng PNP ay hindi lamang pansariling tagumpay kundi nagbibigay din ng trabaho, kita at proteksiyon lalo na sa mga benepisyo na ibinibigay ni Pangulong Duterte bilang bahagi ng mga benepisyo ng pulis.

Pinayuhan niya ang kabataan na nagnanais sumali sa PNP na mag-aral ng seryoso at tapusin ang isang college degree.

“The PNP is a professional organization only college graduates are admitted to the services, it is a basic requirement,” ani Dickson.

Sinabi rin niya sa kanila na kunin ang National Police Commission eligibility o Civil Service eligibility, o ipasa ang board examination ng alinmang kurso sa kolehiyo.

“Dapat mag-aral ang mga kabataan at hinihikayat ko silang pumasok sa pulis,” aniya. Ang Cordillera ay may police force na nasa 6,700.

PNA-PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon