CAMP DENNIS MOLINTAS,Benguet – Dalawang amasona ang kusang-loob na bumalik sa pamahalaan at isinuko ang kanilang armas sa Buguias,Benguet, ayon sa Benguet Provincial Police Office.
Personal na sumuko kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director sina Aurelia Padangor Cudaren, 50,alyas Julie, miyembro ng Militia ng Bayan,Kilusan ng Larangang Gerilya (KLG) at Jane Gadchar Fay-os, 56,squad member ng KLG sa ilalim ng Ilocos Sur-Cordillera Regional Committee (ICRC) MARCO-NPA, na kapwa nag-ooperate sa lalawigan ng Mountain Province.
Kasabay na isinuko din ng dalawang amasona ang kanilang personal na armas na kinabibilangan ng isang caliber .38 revolver at isang caliber. 22 magnum revolver. Ang dalawa ay naging rebeldo noong 1985.
Ayon kay Ragay, ang pagsuko ng dalawang amasona ay nagpapatunay lamang na wala nng dahilan para manatili pa sa kabundukan ang isang rebelde, dahil ang pamahalaan ay handing tumulong para sa kanilang pagbabagong buhay.
Ang mga surendeeree ay isinasailim ngayon sa Custodial Debriefing sa Camp Molintas, Bangao, Buguias, Benguet at makakatanggap ng benefits sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program of the government at incentives mula sa fireamrs na kanilang isinuko.
Samantala, 9 na wanted person, 2 newly identified drug pushers, 21 marijuana eradication sa bayan ng Kibungan at Bakun, 3 sa illegal logging at iba pang anti-criminality operation ang matagumpay na naisagawa ng BPPO mula Nobyembre 25-28 sa ilalim ng pinaigting na implementasyon ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa lalawigan ng Benguet.
Ayon kay Ragay, mandato niya sa bawat istasyon ng pulisya sa lalawigan ang kani-kanilang accomplishment sa pagpapatupad ng peace and order, lalo na’t papasok ang Christmas season.
Aniya, naka-alerto din ang kanyang mga tauhan sa mga tourists spots sa Benguet, para bigyan seguridad ang mga turista at hikers sa kabundukan.
Zaldy Comanda/ABN
November 30, 2019
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025