SAN FERNANDO CITY, La Union – Dalawang chief of police,kabilang ang kanilang mga tauhan sa bayan ng Cabugao at San Juan, Ilocos Sur, ang sinibak sa puwesto kaugnay sa pagkamatay ng 15 taong na gulang na babae noong Hulyo 2.
Labis na pakikiramay, simpatya at pagdadalamhati ang ipinabatid sa pamilya ng biktima ni Police Brigadier General Rodolfo Azurin,Jr., regional director ng Police Regional Ofiice-1, na labis na
kumukundena sa naganap na krimen mula sa kamay ng kanyang mga tauhan at nangako na mabibigyan ito ng katarungan.
Nabatid kay Azurin, sinibak na niya sa puwesto noong Hulyo 10 bilang chief of police ng Cabugao MPS si Police Captain Ramil Llaneras at Police Captain Benjamin Raquedan, ng San Juan MPS, kabilang ang kani-kanilang mga tauhan.
“All will be replaced while they are undergoing training without any promise that they will go back to their municipal police station,” pahayag ni Azurin. May kabuoang 39 police personnel kabilang ang dalawang hepe ang inilipat sa Regional headquarters.
Ayon kay Azurin, bukod sa kasong murder, ay isinampa na ang kasong two counts of rape laban kina Police Staff Sergeant Marawi Torda at Randy Ramos, pawang nakatalaga sa San Juan MPS, samantalang kasong Obstruction of Justice ay isinamapa laban kina Police Captain Ramil Llaneras, PSSG Merly Joy Pascua ng Women and Children Protection Desk-Cabugao (WCPD) at Barangay Captain Ricardo Quilala, ng Barangay Daclapan.
Ang nasabing kaso ay derektang isinampa ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Department of Justice-Manla thru regular filing na tinanggap ni Assistant State Prosecutor Susan Azarcon.
Matatandaan, noong Hunyo 29, ang biktimang dalagita, kasama ang kanyang pinsan na 18 taon gulang ay nagtungo sa Cabugao MPS para magsampa ng reklamo laban kina Ramos at Torda sa umano’y pagmomolestya at panggagahasa sa kanila.
Unang hinuli ng dalawang pulis ang mga biktima sa paglabag umano sa curfew at nakainom mula sa dinaluhang party. Nag-boluntaryong ihatid ng dalawang pulis ang biktima sa kanilang bahay,
subalit sila ay pinagsamantalahan.
Si Ramos umano ang gumahasa sa 18 taong gulang, samantalang si Torda naman ang nagmolestya sa dalagita. Nakatakas ang dalagita sa pagkakataong iyon. Nagsampa ng kaso ang dalagita sa Cabugao MPS, kasama ang Uncle at pinsang lalaki, subalit habang papauwi sila ay tinambangan ng dalawang motorcycle riding tandem na ikinasawi nito.
Ipinahayag pa ni Azurin na sa pagkakataon ngayon ay hindi na panahon ng pagtuturuan, dahil hindi ito makakatulong sa mabilis nap ag-resolba ng kaso, kundi ang kailangan ay kooperasyon at nangakong bibigyan niya ng prioridad na mabigyan ng hustisya ang naganap na krimen.
Zaldy Comanda/ABN
July 11, 2020
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025