2 drug pushers huli sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Dalawang drug personalities na ibinilang sa High Value at Street Value Targets ang nasakote sa buy-bust operation mula sa pnaigting na implementasyon ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO).

Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director ng Benguet Provincial Police Office, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng La Trinidad police, Intelligence personnel of Benguet at PDEABenguet at nasakote ang mga suspek na sina Ibalson Cadangen , High Value Target (HVT) at Anelyn Esteban Ngayawen, Street Level Target (SLT) sa Barangay Shilan, La Trinidad, Benguet, noong gabi ng Oktubre 23.

Ayon kay Ragay, ang dalawa ay nasakote matapos magbenta ng 47.7 gramo ng shabu, na may street value na P297,160.00 sa mga operatiba na nagpanggap na buyer.

Samantala, isang search warrant ang ipinatupad ng mga tauhan ng La Trinidad MPS, PIB, PIDMB, PDEU, PMFC-Benguet PPO, RIU-14 at RID-Cordillera, na nag-resulta sa pagkakadakip kay Faisal Hadjie Magurn Taha, ng Sitio Parapad, Ambiong, La Trinidad, Benguet, matapos mahulihan ng sisang Llama caliber 45; isang Possi S.A caliber 38; tatlong magazines for caliber 45; 21 live ammunition for caliber 45 at limang live ammunition for caliber 38.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon