2 huli sa pagbibiyahe ng mineral ores sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Nahaharap sa kasong pagalabag sa Section 53 (Ore Transport Permit) ng Republic Act 7942 o’ the Philippine Mining Act of 1995, ang dalawang katao na nahuli sa pagbibiyahe ng mineral ores sa may Atok, Benguet.
Nabatid kay Col. Reynaldo Pasiwen, provincial director ng Benguet Provincial Police Office, ang dalawang nakip ay sina Mariel Poyoc Piglay, 34, ng La Trinidad, Benguet at Layson Jay Cabacaba Ligutan, 19, ng Capoocan, Leyte.
Ayon kay Pasiwen, noong Marso 7 ay tumawag sa Atok Municipal Police Station si Engr. Dino Sab-it, ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO)- Buguias at humiling ng police assistance matapos makatanggap siya ng information mula sa concerned citizen na ang nakaparadang sasakyan sa may Kilometer 21 Caliking, Atok, Benguet ay lulan ng pinaghihinalaang mineral ores.
Agad na nag-responde ang Atok MPS at team ng CENRO Buguias sa binanggit na lugar at nadatnan nila ang iniulat na sasakyan.
Nang suriin ang loob ng trak ay nakita ang 470 sako na naglalaman ng pinaghihinalaang Mineral Ores na wala umanong kaukulang
permit para ibiyahe ito, na nagmula sa Barangay Fidilisan, Sagada, Mt.Province at patungo sa Maynila.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon