2 HVT NALAMBAT SA P3.4M SHABU SA BENGUET

LA TRINIDAD, Benguet

Arestado ng magkasanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Benguet Provincial Police Office ang dalawang tulak ng droga na nakumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa Barangay Betag,La Trinidad, Benguet, noong Abril 2. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Abdul Madid,alyas Maino at Sidec Dula Madid, parehong nakalista sa High Value Target
(HVT) ng PDEA.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba alas-11:40 ng gabi sa presensya nina Barangay Kagawad Frederick Copalas at Prosecutor Joylyn Calde na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. Narekober ng mga operatiba mula sa mga suspek ang limang pirasong knot-tied plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit 500 gramo.

Kasama sa mga MGA SAGOT SA NAKARAAN: nakumpiskang ebidensya ay ang buy-bust money, isang mobile phone, wallet, mga ID at ATM card at ilang mga resibo sa bangko.

Zaldy Comanda/AAD/ABN

Amianan Balita Ngayon