2 KASO NG AKSIDENTE SA PAPUTOK NAIULAT SA BENGUET

LA TRINIDAD,Benguet

Dalwang katao ang nasugatan ng ipinagbabawal na paputok sa kanilang pagsalubong sa Bagong Taon noong gabi ng Disyembre 31 , 2022. Ayon sa ulat ng kapulisan isang 26 na lalaki mual sa bayan ng Mankayan ang nasagugatan matapos nitong pulutin ang isang five-star na firecracker na
hindi pumutok subalit ng nasa kamay na niya ito hindi napansin na may usok pa ito at biglang pumutok ito.

Agad na dinala sa Northern Benguet District Hospital upang malapatan ng gamut ang kanyang sugat at matapos ay dinala ang pasyente sa Luis Hora Memorial Regional Hospital upang maobserbahan pa ang kanyang sugat. Samantala isang 37 anyos na babae naman sa La Trinidad
ang dinala sa Cordillera Hospital of Divine Grace na kung saan ay tinamaan di umano sa labi ng isang whistle bomb firecracker subalit agad din itong malunasan kung kayat pinayagan umanong lumabas ito ng hospital.

Wala rin naiulat na kaso ng mga nakakain ng mga pulbura ng paputok o tinamaan ng stray bullet na mga tao dahil na rin sa mahigpit n autos ng Cordillera Police Office na bawal ang magpaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon. Patuloy diumano ang monitoring ng Benguet Public
Health Office sa mga barangay upang malaman kung may kaso pa ng mga naputukan ng mga
firecracker upang agad itong magamot na kung saan ay maaring maging lason ang mga chemical na dala ng mga paputok.

ACM/Benguet-PIO

Amianan Balita Ngayon