2 Katao gumaling sa Covid-19 sa Lunsod ng Baguio

BAGUIO CITY – Sa paggaling ng 2 katao sa COVID-19 nitong mga nakaraang linggo ay halos umabot na sa 9 na katao na ang gumaling at may 23 na PUI’s ang nag negatibo sa nasabing sakit.
Ayon kay Dr. Ricardo Runez, hepe ng Bagui General Hospital and Medical Center isang 31 anyos na lalaki na mula pa sa Manila at isa pang 49 anyos na lalaki ang naiulat na gumaling at nagpalabanan ang sakit.
Ang dalawa ay nakauwi na rin sa kanilang tahanan.
Noong Abril 3, 2020 ay na discharged ang pinakamatandang pasyente ng COVID-19 siya ay 73-anyos na babae , isang 55 anyos na babae ang isa pang na discharged, ay sinundad pa ng isang 52 anyos , 61 anyos at 70 anyos na pawang mga lalaki.
Ani Runez “ Those still confined are the 23-year-old male from Manila, the 52-yearold health worker Joel Junsay who revealed on social media that he contracted the disease; spouses Enrique and Jaysay Bactad of Manila, both 67, the 59-year-old; former US serviceman Rafael Serrano; and a 46-year-old male”.
Matatandaan na si Joel Junsay ang unang lumantad sa publiko na nagpositibo sa sa nasabing sakit at sinunda ito ng mag-asawang Bactad at Serrano ayon na rin sa pakiusap ni Mayor Benjamin Magalong na isiwalat na nila ang kanilang pagkatao upang madaling malaman ng mga nakasalamuha ng mga ito at mabigyan agad ng paunang lunas ang mga nakasalamuha nila.
Umaasa naman ang tanggapan ng Department of Health sa pamumuno ni Dra. Amy Pangilinan na maging maayos na ang kalagayan ng iba pang naka confined sa ospital.
Matatandaan na halos 13 araw na walang naiulat na nag positibo sa COVID-19 subalit naital lang nitong nakaraang araw ang isang 46 anyos na babae na mula sa barangay Dagsian ang nagpositibo sa sakit. Ang pasyeenteng babae isang streetsweeper.
Bunag nito ay iniutos ni Magalong na i-lockdown ang apat na barangay ng Upper at Lower Dagsian, Scout Barrio at Hillside upang hindi muna papasok ang hindi nakatira sa nasabing mga barangay.
Samanatala ayon kay Pangilina sinabi niya na “ Baguio is a level two situation after registering 14 cases. Three each were recorded in Benguet and Abra, with two of the latter province’s cases confined at the BGHMC”.
(PNA)

Amianan Balita Ngayon