BAGUIO CITY – Dalawang magkaibigan ang namatay, isa ang sugatan at 3 ang nakaligtas matapos mawalan ng kontrol ang kanilang sinasakyang Toyota Tamaraw FX na bumangga sa railing habang pababa sa flyover sa may Magsaysay Avenue,Baguio City, umaga ng Abril 6.
Nakilala ang mga nasawing sina Cherry Lyn Sasa Monte,24, resiente ng Padang, Pongayan, Kapangan, Benguet; Rodel Polano,18,resiente ng Bangao, Buguias, samantalanh si Fe Serafeno,25, residente ng Supang, Itogon, Benguet ay nasa-stable na sa ngayon sa ospital
Ang tatlong pang sakay na sina Dariel Pacalso,21; Marson Sab-it,18 at 17 taon gulang na lalaki na nagtamo lang ng galos sa katawan ay agad din nakauwi. Ayon kay Corporal Ramil Pacio, traffic investigator ng Baguio City Police Office, si Monte ang nagmamaneho ng Toyota Tamaraw FX na may plate no. UNJ 419 na nagmumula sa direksyon ng city proper lulan ang dalawa nitong kaibigan dakong ala 1:00 ng madaling araw.
Lumitaw sa imbestigasyon na habang binabagtas ang curve portion ng Magsaysay flyover ay bigla na lumihis sa opposite direction ang sasakyan at bumangga sa railings ng flyover.
Dahil sa malakas na impact at papababa ang sasakyan sa flyover ay nagpatauloy ito sa pag-andar ang sasakyan ay tumagilid ito sa kanang bahagi pababa sa fly over.
Dahil dito, nagtamo ng malubhang pinsala ang driver na nagresulta sa kanyang kusang pagkamatay.
Sina Polano at Serafeno ay agad na isinugod ng mga nagrespondeng Emergency Medical Services (EMS) sa Baguio General Hospital and Medical Center, subalit namatay si Polano habang ginagamot.
Zaldy Comanda/ABN
April 9, 2022
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025