2 MENOR DE EDAD NA ESTUDYANTE HULI SA MARIJUANA SA KALINGA

LUBUAGAN,Kalinga

Mahaharap ngayon sa kasong Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang 17-anyos na estudyante matapos silang arestuhin sa pagdadala ng mga
dahon ng marijuana sa Lubuagan, Kalinga noong Enero 15. Sinabi ni Brig. Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office- Cordillera, kapwa ang mga naarestong suspek ay 17-anyos na estudyante, residente ng Tabuk City, Kalinga, at mga bagong nakilalang drug personalities.

Sa kaparehong ulat, ang dalawang menor de edad ay una nang inaresto ng mga operatiba ng Kalinga Provincial Police Office dahil sa pagsuway sa mga pulis at pag-iwas sa itinatag na checkpoint sa Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga. Sa takbo ng kanilang pagaresto, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang isang semitubular form ng pinatuyong dahon ng Marijuana at tangkay
na may timbang na mahigit o mas mababa sa 570 gramo na may Standard Drug Price na
P68,400.00.

Ang imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya ay isinagawa onsite sa presensiya ng mga naarestong suspek at sinaksihan ni Konsehal Simi Colayot, Lubuagan at kinatawan ng media. Dinala sa kustodiya ng Kalinga PPO Provincial Drug Enforcement Unit ang mga naarestong suspek at mga
nakumpiskang ebidensiya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon