2 MENOR DE EDAD NA NANGHOLDAP GAMIT ANG PELLET GUN HULI SA KALINGA

Headlines

TABUK CITY, Kalinga – Dalawang tinedyer na menor de edad na nangholdap ng mga sigarilyo sa isang tindahan sa gasolinahan, ang nadakip ng mga concerned citizen, noong gabi ng Hunyo 12 sa Barangay Bulo, Tabuk City, Kalinga.

Hindi pinabanggit ang mga pangalan ng dalawang suspek na ang isa ay 17 taon gulang at 16 taon gulang. Ayon sa Tabuk City Police Station, nag-responde sila mula sa isang tawag na may naganap na robbery sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, sinabi ng biktima na ayaw ipabanggit ang pangalan dahil sa seguridad nito, habang siya ay nasa cashier’s desk ng store dakong alas 8:20 ng gabi, pumasok ang dalawang susek na tila ordinaryong kostomer, habang nasa gasolinahan naman ang iba pang kostomer.

Nang makaalis na umano ang ibang mga kostomer ay bigla naglabas ng maikling baril ang isa sa mga suspek at itinutk sa biktima, habang ang kasamahan nito ay kinuha ang mga rims ng sigarilyo at inilagay sa backpack.

Nang maramdaman ng mga suspek ang pagdating ng ibang mga customer, tumakbo sila patungo sa nakaparadang itim/puting Honda XRM na motorsiklo sa gasolinahan.

Bago pa man makaalis ang mga suspek ay nagssigaw ang biktima na siya ay ninakawan. Mabilis na hinablot ng isang kostomer ang mga suspek habang sakay ng kanilang motorsiklo at tumulong na din ang iba pang napadaang tao sa lugar para pigilan ang mga ito, nakumpiska mula sa mga suspek ang isang replica ng kalibre .45, apat na rim ng sigarilyo, vivo cellphone, relong casio at P5,562 sa magkaibang denominasyon.

Zaldy Comanda/ABN