2 MINERO PATAY NG MATABUNAN NG GUMUHONG BUNDOK, NAREKOBER NA

ITOGON, Benguet – Makalipas ang tatlong araw magkasunod na narekober ang mga labi ng maglive-in partner na kapuwa minero na natabunan ng gumuhong bahagi ng bundok noong umaga ng Agosto 17, sa Antamok River, Loacan, Itogon,Benguet.
Sinabi ni Regional Information Officer Capt. Marnie Abellanida, ng Police Regional Office-Cordillera, unang nakuha ang labi ni Nestor Talangcag,54, noong Agosto 19, dakong 2:20 ng hapon, samantalang kinabukasan, Agosto 20, ay
narekober dakong alas 8:00 ng umaga ang labi ni Morina Simeon Lintan, 57, residente ng Beda, Loacan, Itogon, Benguet.
Ayon kay Abellanida, naging pahirapan ang paghahanap sa mga biktima,dahil sa kapal bg lupabg tumabon sa kanila at natitigil pa dulot ng malakas na ulan.
Matatandaan, noong Agosto 17, ang mga biktima, kasama ang anak na lalaki ay naglalakad sa gilid ng ilog, dakong alas 10:45 ng umaga, nang gumuho ang bahagi ng bundok na tumabon sa biktima, habang ang anak ay mabilis na nakatakbo at nakaligtas.
Naiulat ng anak sa kinauukulan ang insidente dakong alas 11:55 ng umaga at agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Itogon MPS, BFP Itogon, brgy officials at civilian volunteers, subalit sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakikita ang mga biktima.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon