2 MIYEMBRO NG NPA SUMUKO SA ABRA, BENGUET

LA TRINIDAD, Benguet

Mula sa pina-igting na kampanya ng Police Regional Office-Cordillera sa Local Communist Armed
Conflict (ELCAC) sa rehiyon, dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang-loob na nagbalik sa loob sa pamahalaan mula sa Abra at Benguet noong Setyembre 11. Sa Abra, ang rebel returnee ay dating miyembro ng KLGNorth Abra at nasa watchlist ng PSRTG noong 1st Quarter ng 2023.

Kusang-loob siyang sumuko pagkatapos ng serye ng negosasyong isinagawa ng mga operatiba ng 1504th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15); Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Abra Police Provincial Office (PPO), Sallapadan Municipal Police Station
(MPS);2nd Abra Provincial Mobile Force Company (PMFC); Regional Intelligence Unit 14 (RIU). -14); City Intelligence Unit ng Baguio City Police Office; National Intelligence Coordinating
Agency (NICA)-CAR at Philippine Army.

Isinuko din ng rebel returnee ang isang 12 Guage homemade shotgun na may magazine sa mga awtoridad. Sa Benguet, isa pang rebel returnee ang sumuko sa mga operatiba ng Itogon MPS, 2nd
Ifugao PMFC, RIU-14, PIU ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division, RMFB15, at NICA-CAR matapos ang serye ng negosasyon. Isinuko din nito sa mga awtoridad ang kanyang Calber.38 Smith & Wesson na walang bala. Nasa kustodiya na ngayon ng kani-kanilang operating units ang mga rebel returnees para sa custodial debriefing at tamang disposisyon.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon