LUNGSOD NG BAGUIO – Dalawang pampublikong elementaryang paaralan sa lungsod ang nag-umpisa ng magsagawa ng limited face-to-face (F2F) classes noong Marso 7 habang 26 iba pang primary at secondary schools ay naghahanda nang magbukas sa paglipat ng lungsod sa new normal dalawang taon matapos magsimula ang pandemya.
Sinabi ng Department of Education (DepEd) Baguio Schools Division sa ilalim ni Supt. Federico Martin na ang Sto. Tomas at Gibraltar elementary schools ay nabigyan ng awtoridad sa limited F2F learning matapos maipasa ang lahat ng requirements sa ilalim ng School Safety Assessment Tool (SSAT) ng departamento.
Sinabi ni Martin na sa mga pampublikong paaralan na sumasailalim sa mga orientation at simulation ay ang Sto. Tomas National High School-Senior High School-Technical-Vocational-Livelihood (TVL), Mil-an NHS (TVL), Happy Hallow Elem. School (ES), Spring Hills ES and Alfonso Tabora ES.
Ang mga paaralan na nakapasa sa SSAT hanggang Marso 6 sa pagbapapatibay ng composite team at inirekomenda ng DepEd DepEd city at regional offices ay ang Fairview ES, Kias ES, Baguio Central School, Baguio City National High School, Baguio City Science HS (Stand Alone), Pines City NHS, Doña Aurora H. Bueno ES, Manuel A. Roxas ES at Quezon Hill ES.
Sinabi nina Public School District Supervisor Jayre Rose Gueverra, Education Program Supervisor Mary Jane Malihod at Medical Officer IV Dr. Mary Libeney Sito na ang balidasyon ay nagpapatuloy para sa ibang public elementary at high schools at mag-uumpisa rin sa madaling panahon para sa mga pribadong paaralan.
Layon ng mga balidasyon na suriin ang antas ng kahandaan ng mga paaralan base sa SSAT requirements na kanilang ang pagkakaroon ng isolation room, health protocols, class schedules, contingency plan at isang barangay resolution.
Para sa higher education institutions (HEIs), inanunsiyo ng University of the Cordilleras na binuksan rin nito ang F2F para sa engineering students na kumukuha ng Engineering Laboratory at
On-the-job Training Courses noong Marso 7. Matagal nang nag-umpisa ang F2F lessons para sa medical courses sa iba’t-ibang colleges at universities.
Nagpapatuloy ang mga inspeksiyon para sa ibang kurso sa St. Louis University, University of Baguio at Baguio Central University.
Sa ngayon, ang mga sumusunod na UB criminology, engineering and architecture, hospitality and tourism programs, SLU engineering programs at BCU OJT at internship program sa business administration at criminology programs ay nakumpleto ang inspection requirement, at nabigyan ng rekomendasyon ng City Health Services Office.
Ang mga requirement para sa HEIs ay letter of support mula sa city government bago pumunta sa Commission on Higher Education; pagsusumite ng isang letter of intent sa CHED na nagdedetalye kung kailan magbubukas ang face-to-face, bilang ng mga estudyante na inaasahan, at ang mga kurso, affidavit of undertaking; at school facilities inspection ng CHSO.
Para sa review/tutorial centers at ESL schools, mga nsa ilalim ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA), ay dapat sumunod sa TESDA guidelines at iba pa na hindi nakapailali sa TESDA ay dapat sumunod sa mga requirement ng lungsod na ang mga personnel at dadalo ay kailangan lubos nang nabakunahan at dapat kumuha ang mga establisimiyento safety seal certifications.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025