2 TURISTA KALABOSO SA BENGUET

Camp Dangwa, Benguet – Dalawang kalalakihan na nagpapanggap na turista ang kalaboso ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act A 9165 o’ the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, matapos masakote sa police checkpoint sa tangkang pagbibiyahe ng marijuana bricks sa Bakun, Benguet.
Kinilala ni Col. Reynaldo Pasiwen,provincial director ng Benguet Provincial Police Office (BPPO), ang mga suspek na sina Merbyn Larawan Gravador, 45, ng Calamba, Laguna at Samuel Flor Christian Singson, 23, ng Antipolo City.
Ayon kay Pasiwen, ang dalawa ay lulan ng kanilang sasakyan at naharang sa checkpoint ng mga tauhan ng Bakun Municipal Police Station and the Regional Explosives Ordnance Unit and Canine Unit – Cordillera (RECU-COR) noong Marso 5.
Limang tubular dried marijuana na may timbang na 5,000 grams at may halagang P500,000.00 ang nakuha sa mga suspek.
Ang imbentaryo sa mga marijuana bricks ay isinagawa agad sa lugar na sinaksihan ni Barangay Chairman Florencio Vicente, ng Barangay Ampusongan at media representative.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon