BAGUIO CITY
Dalawang top most wanted person ng Cordillera, na pawang may kasong rape, ang nadakip ng mga tauhan ng Baguio City Police Office, sa magkahiwalay na operation sa Barangay Middle Quezon Hill at San Carlos Heights, Irisan, Baguio City, noong Enero 16. Ayon kay City Director Ruel Tagel, ang No.1 TMWP na 37-taong gulang na lalaki ay nadakip ng BCPO Police Station 10 sa na may kasong six counts of stator rape at five counts of qualified rape of minor.
Bukod dito, may kaso din itong seven counts of sexual assaults and acts of lasciviousness, na pawang paglabag sa Republic Act 7610, na kilala bilang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Ang No.4 TMWP person ay isang 36 taong gulang na construction worker na nadakip ng mga tauhan ng BCPO
Station 9, na may kasong two counts of rape in relation to Republic Act 7610 as well as Acts of Lasciviousness. Ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na walang kaukulang piyansa.
ZC/ABN
January 26, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025